Paglalarawan (o pagpapaliwanag): Naisulat matapos mapanaginipan ang isang tao na dapat naman ay wala talaga.
Realization: Dapat talaga hindi nasasanay sa mga bagay o tao na pwede namang wala sa buhay ko.
O eto na talaga yung tula:
Hindi ko nais na ikaw pa ay isipin
Ayoko na sanang balikan ang anuman natin
Tama na dapat ang panahong nabitin
Ngunit ba't panaginip ko'y iyong inaangkin
Wala na nga tayong dapat pang ayusin
Kung walang umpisa'y wala namang tatapusin
Hndi na dapat kitang iisipin
Lalong hindi kita dapat na mahalin
Ayoko na sanang umasang magbabalik sakin
Pagaaruga, pagbibigay, at paglalambing
Hindi na dapat pang kausapin
Kung wala rin namang sasabihin
Hindi ko na nais na ikaw ay isipin
Kaya pakiusap sa utak dapat kitang alisin
Di na dapat ibalik ang panahong nabitin
kailanma'y di ka naman magiging akin.
No comments:
Post a Comment