Naguguluhan ako ngayon hindi dahil nasasaktan ako o dahil meron akong sinasaktan...
Naguguluhan ako dahil sa palagay ko nagmamahal ako.
Tama... pakiramdam ko handa na nga ako, gusto ko nang magmahal muli...at sa sobrang tagal ng pinaghintay ko, sana "worth it" naman ito.
Ang problema nga lang, sa paghihintay ko na maging ayos na ako, parang naging matigas na nga rin pati ang puso ko. Sa sobrang pagkagamit ko ng puso ko nung nakaraan, masyado naman yatang nasobrahan sa pamamahinga nito, kung minsan nga ayaw na gumana. Puro utak na lang tuloy ngayon, isip ng isip kung ano ba ang tama? Sino ba ang tama? At kelan ba magiging tama, korek, at malaking tsek ang umibig muli?
Yun na nga! Marami nang dumating pagkatapos kong malampasan ang isang napakalaking unos sa buhay pag-ibig ko, hindi ko naman ma-appreciate lahat dahil siguro nakalimutan ko nang paganahin ang puso ko. Minsang titibok na ito pero eto na naman at pipigilan ko dahil iniisip ko kong baka nabibigla na naman si puso, baka ayan na naman at magmamadaling maging okey kahit hindi pa naman pala talaga...
Madami nang napahamak sa pagmamadali, marami nang nasaktan, at oo inaamin ko, isa na ako dun. Malaking pagkakamali ang nagawa ko na madaliin ang puso ko, kasi minsan nakakabulag, nakakalasing, nakakawindang ang pag-ibig.
Kaya sa susunod, hindi na ako magmamadali, pwede naman kasing hinay hinay, pwede naman kasing maghintay, hindi talaga dapat minamadali ang pagiging okey, dahil kagaya ng sugat na pilit ang paggaling, kagaya ng nilalagnat na nabinat.... delikado!

No comments:
Post a Comment