Ilang taon kaya aabutin ito? Kailan magwawakas ang kuwento ni Lando? Tunghayan ang liham na naglalaman ng mga lihim. Sundan ang kabanata ng pag-ibig at paghanga. Wakasan ang istoryang hindi matapus-tapos, bigyan ng kulay ang bawat nitong pag-agos. Samahan si Lila sa kanyang mga dusa at saya.
________________________________________________________________________
Oktubre 2008
Oktubre 2008
Masaya na rin ako kahit sa konting sandali na nakita kita.
Na-miss din kita... may katagalan din bago tayo nagkita ulit.
Oo masaya na rin ako dahil kinailangan mo ang tulong ko kahit papano.
Hay, hindi ko maintindihan kung bakit ang pinakamaliit at pinakawalang kwentang bagay o kilos ay maaring maging kasing halaga ng mundo para sa akin kapag ikaw ang may gawa.
Minsan iniisip ko tama nga ba na magustuhan kita o humanga ako sayo? Masyadong malaki ang agwat natin maging sa edad at estado sa buhay. Pero natutuwa ako kapag itinuturing mong balewala ang lahat ng ito. Masaya ako tuwing lumalapit ka na para bang isang kaibigan ang turing mo sa akin. Ewan ko ba, malapit ka na namang matapos sa ginagawa mo, sana nga maging matagumpay ang lahat. Nandito lang naman ako palagi para sa iyo. Sumusuporta ako kahit hindi mo alam. Nakikinig kahit na nasasaktan…
Natutuwa ako sa lahat ng bagay na nagagawa mo, sa mga pangarap na natutupad mo. Pumapalakpak ako sa bawat kompetisyon na pinagtatagumpayan mo. Pinapanuod ko ang lahat ng ito gamit ang aking puso.
Masaya ako dahil sa araw na ito, pinili mong ako ang makasama, ako ang makita ng iyong mga mata... Ayokong isipin na wala ka lang ibang mapuntahan kaya mo ginawa iyon. Ganunpaman, naisip mo ako, nakita mo ako, napansin mo ako. Sino pa bang mas higit na sasaya kaysa sa akin?
Sa ngayon hindi ko alam kung mahal kita at hindi naman masasabi yun ng ganun ganun na lang... Ang alam ko lang masaya ako sa bawat pagsilay ko sa iyong mukha. Masaya ako sa bawat ngiti na nanggagaling sa iyong mga labi. Maligaya akong nakikita ka na unti-unting natutupad at inaabot ang iyong mga pangarap.
Umaasa ako na sa huli, magkikita tayong muli. Babalik ka sa akin para magbigay ng ngiti at pag-asa. Masaya ako…masaya ako dahil sa iyo.
_________________________________________________________________________
Marso 2009
Tama nga ako…. Muli mo na naman akong napasaya… Hndi ko kasi alam talaga kung anung meron ka eh, basta ang alam ko lang kapag nakikita kita, naiiba ang mood ko. Naiiba na lahat ang pagtingin ko sa mundo. Para bang may bagong pag-asa palagi? Hindi ko nga alam kung mabuti ba o masama na ganito ang nararamdaman ko eh. Pero isa lang ang alam ko malaki talaga ang epekto mo sa akin. Haaay..para kang droga, daig mo pa nga ata eh kasi konting dosage mo lang, solb na solb na ako!
Ngayon naman nakita ko ang mga moves mo. Nakow…nabighani na naman ako sa kakaibang ag galaw at mga kilos mo. Marunong ka rin pala sa bagay na iyon. Ang galling hindi ko inaasahan pero napabilib mo na naman ako. Hindi mo alam ito noh?
Hindi mo na rin siguro dapat malaman pa, baka naman kasi ma-feel mo pa eh. Mabuti na yung humahanga ako ng hindi mo batid, mabuti na rin na isang lihim na lang ang pagtingin kong ito, kung meron man, o kung gayun man nga. Mabuti na rin ang hindi ako umasa dahil ayoko rin namang masaktan. Ayoko rin namang isipin na may pag-asa tayong dalawa. Kagaya nga ng sinabi ko, malayo talaga ang agwat natin. Kakaiba, hindi masusukat, at parang imposible talagang isipin na maaaring maging tayong dalawa sa bandang huli. Hindi ko na rin ito iniisip, hindi ko na rin dapat pang alalahanin. Basta’t masaya ako…sapat na ang lahat nang ito.
Sa tinagal-tagal hindi ko na nga inaasahan pa na matandaan mo ako o makilala pa sakaling magkita. Aba , marami na rin naming nagbago, baka nga lumaki na ang katawan mo, kuminis ang muka, medyo tumanda, pero siguro makisig at gwapo pa rin (at least sa paningin ko ha?), at siyempre, hindi lang ikaw. Ako rin naman sa palagay ko lang, may mga ipinagbago. Nagpapapayat na nga pala ako ngayon. Ikaw kasi atleta ka so malamang hindi mo na kailangan, pero ako? Hmmm…wala lang, maiba lang naman, at may bago lang sana na gawin sa buhay. Alam mo kasi, sobrang na-bored ako. Mula nung hindi na kita nakikita, pati yung mga nakakasama mo, pakiramdam ko nabawasan talaga ang tuwa sa mundo ko. Hindi na kasi ako madalas tumawa sa mga simpleng joke eh, kiligin sa mga simpleng gestures, at humalakhak sa tuwing sasadyain mo talagang magpatawa.
Sabagay, ang tagal na nga naman talaga. Lampas isang taon din yun ah?
Oo, naririnig rinig ko minsan ang pangalan mo, pero, hindi ko na rin mashado pinag ukulan ng pansin, eh kasi nga naman….wala naman nang mangyayari, wala namang magbabago. Iba talaga tayo ng mundo. Yun pa lang, tapos ang kwento.
Hindi ko lang talaga inaasahan na isang araw, habang naglalakad akong mag-isa sa supermarket, galing pala ako sa gym nun, eh bigla mo na lang akong ginulat. Syempre ginulat nga, so natural gulat na gulat ako! Badtrip wala man lang akong nasabing salita kundi “OMG !” Hindi ko man lang natanong kung may kasama ka o san ka na ba ngayon! Siguro pagkatapos ko sabihin ang “OMG !”, ang plain plain lang talaga ng muka ko. Hindi ko na rin kasi napagtuunan ng pansin ang reaksyon mo, basta nakita ko lang na masaya ang muka mo, nakangiti ka.
Mabilis dapat kumilos dahil malapit nang magsara yung supermarket, eh may hahanapin pa ako na kailangan kong bilihin. Ayun! Pagkalampas mo, pagtalikod ko sa’yo, bigla na naman akong kinilig, bigla akong ngumiti. Grabe talaga. Biruin mong simpleng ganun lang naman ang ginawa mo tine-treasure ko??
Masaya lang akong isipin na ikaw ang unang pumansin sa akin, ikaw ang unang nakakita. O sige na bibigyan ko na ng meaning. At least, natatandaan mo pa ako. At least kilala mo pa ako. Yun lang naman, masaya na ako!
Abril 2011
Grabe talaga. Sa panahong hindi ko naman inaasahan, nakita na naman kita. Nakakatuwang isipin na ang matagal ko nang inisip na imposible ay possible palang mangyari. Tadhana pala talaga gagawa ng paraan upang magtagpo tayong muli. Nakakatuwa, hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya. Hindi kita masyadong nabigyang pansin dahil abala ako sa mga dapat kong tapusin sa araw na ito, pero alam kong nasilayan mo na bakas sa aking mukha ang pagkamangha, pagkagulat, at ang pagkasabik na naidulot sa akin ng iyong pagdating. Kinikilig ako kahit hindi ko alam kung dapat, kung tama ba, at kung may dahilan pa, pero yun talaga ang aking nararamdaman. Yun talaga!
_______________________________________________________________________
patapos na ang Abril 2011
Nagulat ako talaga nung narinig ko ang balita, noong una pa nga ay hindi ako makapaniwala. Pero sinabi ko na lang sa aking sarili na siguro nga ay talagang posible naman. Ang sabi ko pa, aalamin ko na lang ang katotohanan sa mga susunod na araw. Marahil sa pagkaabala ko, hindi ko na rin masyadong napagtuunan ng pansin ang bagay na iyon, hanggang sa isang araw na nga lang, ang iniisip kong baka hindi naman totoo ay bakas na ang linaw. Tama nga! Nariyan ka na, malapit ka na, maari ka nang maabot. Para kang isang bituing pinapangarap lang na ngayon ay bumaba mula sa kalangitan, kaya nang mahawakan, madalas na mamamasdan.
Hay! anu ba ito? tingnan mo na nga ang epekto mo, para na akong nagiging makata dahil sa iyo.
Sa isang pagkakataon, mas malapit na tayong dalawa, mas nag-usap na.... hindi pa rin ganun katagal at ka-makabuluhan pero pwede na rin. May kilig, kaba at saya, para bang ito na ang pinakamasarap, pinakamasaya, at pinaka na-enjoy ko ang pagbili ng pagkain sa "canteen", na madalas naman ay pinagsasawaan ko na. Sa mga susunod na araw, baka magkasabay ulit tayo, baka mag-usap na ulit tayo, malay mo magkuwentuhan na tayo?
Alam kong hindi ito ang una.....hindi rin ito ang huli. See you around! :)
_______________________________________________________________________
patapos na ang Abril 2011
Nagulat ako talaga nung narinig ko ang balita, noong una pa nga ay hindi ako makapaniwala. Pero sinabi ko na lang sa aking sarili na siguro nga ay talagang posible naman. Ang sabi ko pa, aalamin ko na lang ang katotohanan sa mga susunod na araw. Marahil sa pagkaabala ko, hindi ko na rin masyadong napagtuunan ng pansin ang bagay na iyon, hanggang sa isang araw na nga lang, ang iniisip kong baka hindi naman totoo ay bakas na ang linaw. Tama nga! Nariyan ka na, malapit ka na, maari ka nang maabot. Para kang isang bituing pinapangarap lang na ngayon ay bumaba mula sa kalangitan, kaya nang mahawakan, madalas na mamamasdan.
Hay! anu ba ito? tingnan mo na nga ang epekto mo, para na akong nagiging makata dahil sa iyo.
Sa isang pagkakataon, mas malapit na tayong dalawa, mas nag-usap na.... hindi pa rin ganun katagal at ka-makabuluhan pero pwede na rin. May kilig, kaba at saya, para bang ito na ang pinakamasarap, pinakamasaya, at pinaka na-enjoy ko ang pagbili ng pagkain sa "canteen", na madalas naman ay pinagsasawaan ko na. Sa mga susunod na araw, baka magkasabay ulit tayo, baka mag-usap na ulit tayo, malay mo magkuwentuhan na tayo?
Alam kong hindi ito ang una.....hindi rin ito ang huli. See you around! :)
No comments:
Post a Comment