lumuluha pa rin ang mga mata
sa tuwing kita'y maaalala
kahit na sinabing tanggap na
sadyang kay hirap nang wala ka
walang masabihan ng lungkot at saya
walang matakbuhan kapag may problema
kahit na nga sinabing tanggap na
mahirap mabuhay nang wala ka
sa bawat gabi, ako'y nalulungkot
sa buhay ko'y may bahid pa ng takot
paano ba ang mag-isa?
sadyang kay hirap ng wala ka
hindi ko malaman kung pa'no mag-umpisa
saan ako matatapos, sa'n ako pupunta?
ikaw na gabay ko sa tuwi-tuwina
sadyang kay hirap ng buhay pag wala ka.
_______________________________________
mahapdi at maluha-luhang mga mata bunga ng puyat at pag-iyak, naisulat ito habang nasa isang pagpupulong... hindi ko rin naman maaninag ang mga nakasulat sa "visual aids", at hindi ko rin naman maintindihan ang mga inire-report :)
No comments:
Post a Comment