2 deaths in 2 weeks.
what does it say to us?
that life is short.
Last week, ginulat ako ng balita sa facebook na patay na pala ang isang kaibigan kong guro. Matagal na kami hindi nagkikita at nag uusap pero ang huling usapan namin at kamustahan masaya naman, pareho na kaming may mga ibang buhay pagkatapos magtrabaho sa institusyon kung saan kami nagkakilala. Masaya kaming tinutupad ang mga bagay na gusto namin parehong gawin noon pa. may balak pa nga kaming magkita sa mga susunod na buwan kapag may pagkakataon para makapag bonding naman. pero ngayon, hindi na iyon mangyayari...dahil wala na siya.
Akala ko talaga, joke lang yung mga nakasulat sa facebook, may isang kaibigan kasi nagpost ng luma naming litrato, eh dahil uso ang #throwbackthursday, akala ko isa lang yung ganun. pero hindi pala, kasi seryoso na talaga, at sunud-sunod na nga ang mga posts na nagsasabing iniwan niya na kami Grabeh lang nakakagulat lang, kasi ang bata niya pa, ang bilis ng mga pangyayari. Siguro may sakit na talaga siya nung huli kaming nag-usap, siguro may problema na pero hindi niya ipinahalata, hindi ako naging makulit magtanong, hindi ko ininsist na magkita at magkuwentuhan kami, kasi akala ko may susunod pang pagkakataon, kasi akala ko'y hindi pa iyon ang huli. hanggang sa...huli na nga ang lahat.
Noong sumunod na linggo, isang nakakagulat, nakakalungkot, at masamang balita na naman ang nangyari. Isa sa aking dating nakatrabahong estudyante and piniling wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtalon sa building ng eskwelahan. Noong una, wala akong ideya kung bakit ganun na lamang ang mga posts ng mga tao sa facebook wall niya, so naisip ko, anu na naman ito? Isang malaking joke na naman?!
Pero hindi, kasi totoo na nga....as in! At ayun sunud-sunod na naman ang mga posts sa wall niya na nagsasabi kung gaano kabait, kabuti, kamasayahin ang batang ito. At totoo nga naman, hindi ko man siya nakasama ng matagal, alam kong mabuti siyang bata. Masunurin, mabait, magalang. Sayang lang at hindi na naman kami nagkaroon ng pagkakataon na maging "close" pa. Pero ramdam ko ang paggalang niya at pagpapahalaga sa akin bilang isa sa mga tinuturing niyang nakakatandang kapatid at guro.
Hays, sayang. kagaya ng mga sinasabi sa kanya ng ibang kaibigan niya, sana nagkaroon pa ako ng mas mahabang oras, sana mas pinansin ko pa siya habang nila-like niya ang mga posts ko sa facebook, sana mas kinausap ko siya noong may pagkakataon. Pero huli na ulit ang lahat....wala na siya. Hindi ko man lamang nalaman na may problema na pala siya, may mabigat na dinadala kaya't pinili niyang wakasan ito, maging ang buhay niya sa paraang alam niya.
Hanggang sa mga oras na ito, masasabi kong apektadong apektado pa rin ako. Nakakalungkot, nakakagulat. Hindi ko maipaliwanag ang dapat kong maramdaman. Nakaka-guilty siguro?
Ang sakit lang isipin na yung kakilala mo, katawanan mo, ka-chat mo lang nung isang linggo o nung isang araw, bigla na lang mawawala ng ganun ganun na lang....ng permanente, wala nang balikan, wala nang take two. At iisipin mo at sasabihin sa sarili mo na sana hinabaan ko pa ang oras na binigay ko sa kanya, sana naging mas close pa kami, sana napakinggan ko pa ang mga kwento at sinasabi niya, sana nasamahan ko pa siya ng mas matagal... sana naging sensitive ako sa nararamdaman niya, sana naramdaman ko na gusto niyang mag-share ng problema o ng kwento. Sana....
Oo ganun talaga ang buhay. Maigsi. Lahat may dahilan. pero may kung sa konting oras na ilalaan, may magagawa tayo. kung sa kahit na gaano kaliit na paraan ay makakatulong tayo para isalba ang buhay ng isang tao lalo na yung mga higit na nangangailangan ng kausap at karamay, siguraduhin nating gagawin natin ito.
Kaya nga.... sa susunod na mangungumusta ka, siguraduhin mong may oras ka para sa sagot niya, para sa kwento niya, malay natin baka yun lang talaga ang hinihintay nila. ang may mangamusta, ang maramdaman nila na hindi sila nag-iisa kahit na gaano pa kabigat ang problema, kahit pa gaano kahirap ang mga suliranin, baka kailangan lang nilang makumpirama nalahat may solusyon, baka kailangan lang nila ng karamay, kausap, kailangan lang ng may makikinig kahit hindi ka magpayo, baka kailangan lang mapaglalabasan ng sama ng loob.... baka kailangan ka lang nila habang hindi pa huli ang lahat.
hyyyy.... i like your point sa huli... so0 valid... kaya nga i always make an effort to reach out sa mga friends...i mean i always make myself available kahit tru text...
ReplyDeletethat's sooo true. we'll never know when is the last time we'll get to talk to the person.
ReplyDeletesalamat sa pag comment :)