Saturday, February 26, 2011

bibingcrepe

I am craving for "bibingcrepe" now, the bad thing is that, (as far as I know) it's only available in Half Moon.  They only have 2 branches, one in Baguio and in one  in Tomas Morato, Quezon City.    


This mouth-watering dessert is perfect with coffee.  I first tasted this in February 2009, and every time I'll go to Baguio, I make sure that I will have bibingcrepe in my menu list. With choice of chocolate or  cheese,(or both) coming out every bite, wow! I am getting hungry now... but I am in Las Pinas :(

Friday, February 25, 2011

“Ang Buhay parang Diner Dash"


Eto na naman ako, shempre pa nasa harap ng aking kompyuter, hindi ko nga alam kung anung isusulat ko eh. Marami akong dapat gawin pero nauwi  lang ako sa paglalaro ng “Diner Dash”, eh kasi naman mas madali pa yung mga instructions dun pati  kung paano ka makakaabot sa goal mo, paano ka kikita ng pera, at higit sa lahat mag-upgrade ng mga bagay-bagay na kaaya-aya sa paningin ng ibang tao lalo na yung mga pinagsisilbihan mo. 

Hay buti pa ang isang laro, nakakaaliw gawin, nakakaaliw pakinggan at tingnan habang nakikita mo ang iyong progreso, at wari ba’y hindi ka titigil sa stage na yun hanggang kaya pa ng powers mo…
Pagkatapos, pag nag-game-over, pwede namang “try again”… pwede rin naman “retry level”, yun bang hindi mo na kailangang bumalik sa pinakaumpisa para makapagsimula ulit…. Yung parang walang nangyari tapos ipagpapatuloy mo lang, minsan pa nga andun pa rin yung score mo, ni hindi nabawasan, tapos may reminder pa kung anung gagawin para makalampas ka sa stage na ganun….

Sana ganun lang kadali ang buhay ano? Yung kapag nagkamali ka o kaya naman kung nasaktan ka, pwedeng “try again”, pwedeng “continue” lang tapos okey na ulit, back to the game, wala pa ngang isang minuto, pindutin mo lang yung “ok” ayos na ulit!

Sana nga ganun lang magbura ng mga mali sa buhay mo, sana ganun lang din kabilis maghilom ang mga sugat kapag nasaktan ka ng sobra…

Sabagay, ika nga, laro kasi yun eh…eh ang sinasabi ko naman, totoong buhay. Malaki naman ang pagkakaiba di ba? Teka, malaki nga ba? Eh bakit may mga taong mahilig maglaro? O di kaya naman ay manakit ng kapwa, umapak ng dignidad, o kaya naman mangwasak ng pangarap?  Bakit nga ba may mga taong ang tingin sa buhay, o sa pag-ibig, ay isang laro lamang? Hay ewan ko, hindi ko alam ang sagot…

Buti pa sa diner dash, hindi naman mawawasak ang pangarap mo na marating ang dulo ng laro,,,, ang kelangan mo lang paulit-ulit lang, praktis ng praktis, tapos maabot mo rin ang goal mo, yung target score mo hanggang maging masaya ka kasi natapos mo na yung laro. Minsan pa nga ”expert goal reached” pa, bonus yun, ibig sabihin nag-exceed ka pa sa kung anu lang ang hinihingi sa’yo.   Ganun din naman ang buhay…minsan kelangan mo paulit-ulit ma-game-over, matalo, o mag try again para maabot mo kung anuman ang gusto mong marating…. Ah tama… Minsan wala ngang pagkakaiba ang laro at ang buhay…

Kaya ako, ilang beses mang madapa, magkamali, o masaktan, alam ko sa bandang huli,  magiging matatag pa rin ako…. Eh ano naman ngayon kung ma-game-over? Hindi pa naman katapusan ng mundo… Ang importante, susubok ulit ako, maglalaro ulit ako, haharapin ko lahat, kakayanin ko hanggang makarating ako sa Final Stage…

Oh ano? START?
______________
dahil hindi pa ako inaantok at wala na akong maisulat sa assignment na kailangan ipasa sa opisina bukas (mamaya pala), eto naglaro muna ako ng Diner Dash….tapos, narealize ko na yung mga nakasulat dyan sa taas oh…
…akalain mo nga naman, na-justify ko pa yung paglalaro ko imbes na mag-aral ako ng Political Law at gumawa ng curriculum ng program ko? Hehehe… at akalain mo ba namang may mapulot pa akong aral sa “Diner Dash”?



Tuesday, February 22, 2011

huling hantungan

papalapit na ng papalapit ang oras ng iyong pag-alis
...tik tak... tik tak....bawat minutong pumapatak.
ilang saglit pa ay permanente ka nang mawawala 
sa aming mga paningin, sa aming piling.
ayoko mang dumating ang sandaling iyon, 
wala akong magagawa para pigilan ang oras, 
para ibahin ang tadhana - ang tadhanang nakatakda mo kaming lisanin.

...sa kabila noon, iniwan mo kami sa panahong kami ay may kahandaan
kaming lahat, maging ikaw man...
kaya sa araw ng iyong pagpanaw, at sa araw ng iyong libing,
hindi ka na nga magiging parte ng bawat naming paggising,
kinabukasan....wala ka na sa aming piling.
hindi man maabot ng tingin, nasa isip ka namin ng taimtim.
...hindi  ka namin malilimutan, Inay!

Sunday, February 20, 2011

Kalansing

Bumukas ang salaming pintuan
Pumasok ang mga batang
may putikang paa,
bitbit ang supot
na puno ng barya…

Sosyal na rosas na
lalagyan…
Laman ay siyam na raang
mamisong barya,
lukot na beinte,
kalawanging tanso,
alay sa pinakamamahal
na butihing guro.


— Alay para kay Ma’am Luz