Pasko na naman ni Emotera
Sabi nila isipin mo raw ng isipin bago matulog ang taong gusto mong mapanaginipan at effective daw talaga, mapapanaginipan mo siya, at mararamdaman niya ito…. Ang sabi ko naman, ayoko pa rin, papano kung ayaw ko naman siyang mapanaginipan, dahil ayokong hanggang dun na lamang? Paano kung ayoko ng panaginip dahil gusto ko ang tunay, yung mahahawakan mo at makikita mo live na live sa harapan mo yung taong yun?
Ma-emote para sa akin ang gabing ito habang sinusulat ko ito. Yun ba namang background music ko si Erik Santos habang ginagawa ito tapos nakanuod pa ako ng episode sa isang reality show na halos isang oras eh yung bidang babae at lalaki lang ang ipinakita, nagliligawan, nag-aaminan, in short, nagpapakatotoo sa mga nararamdaman nila. Nakakakilig, nakakatuwa, nakakatalon ng puso, at nakaka excite kung ano nga ba ang mangyayari at kung talaga bang uusbong ang kanilang pag-iibigan….
Pero sa kabila ng kilig at saya….hindi ko pa rin maiwasang malungkot. Magpapasko na naman kasi…. Isang taon na naman ang nakalipas, at malungkot pa rin ang buhay pag-ibig ko L Hays…. Bakit nga ba? Ano bang meron sa “Christmas season” na kelangan may special someone? Hindi ko rin alam, pero parang nakatanim na sa utak, sa puso, sa kultura, na dapat masaya ka kapag ganitong panahon, dapat hindi malamig ang pasko mo.
Ano pa nga bang magagawa ko? Nanjan naman, may unan at kumot naman ako, siguro pwede na yun pansamantala para maibsan ang lamig (o ang sakit) na nararamdaman ko kasi pilit ko pa ring ikinukubli ang lungkot sa likod ng mga smiles ko…sa likod ng mga ka-busyhan ko sa buhay, hindi pa rin complete eh. Kakanta na nga ako eh at magtatanong kay God ng “where is he, where is he, where is this beautiful guy, who is he, who is he, who’s gonna take me so high?”.
Pero kagaya ng linya sa kanta……siguro nga there is someone out there for me, and I know he’s waited so patiently…hindi pa nga lang kami nagkikita…O baka naman nagkita na kami pero hindi pa lang namin alam. Ewan ko, only God knows. Hindi pa rin ako susuko….at ilang ulit man akong malungkot sa panahon ng kapaskuhan, aasa pa rin ako isang pasko…o sa susunod pa, na hindi na magiging malamig ito.