"Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?"
'Yan ang pamosong linya sa awit na likha ni Ogie Alcasid. At oo madalas ko rin yang piyesa sa videoke... ahem! (frustrated singer din, pagbigyan na). Aaminin ko na, oo ang lakas maka- emote at makalungkot ng kantang 'yan. Pero ngayon ko lang talaga siya napag-isipan at naisapuso. Siguro kasi parang ngayon ko lang totoong nararamdaman na tumutugma na ito
sa nararanasan ko sa kasalukuyan.
Eh bakit nga ba ngayon ka lang? O baka naman bakit ba ngayon lang ako dumating? Eh kasi naman delayed yata ang flight, may humarang, may hadlang, may nangyari, at kung anu-ano pang dahilan ang meron.
Bakit kung kailan nauna na siyang magsara ng puso para sa isa pang tao, dun pa kami kailangang magtagpo? Hindi naman pwedeng "sana dalawa ang puso ko" kagaya nga ng awit ng Bodgie's Law of Gravity. Eh kasi nga isa lang ang puso, limitado lang ang espasyo, pang isahan lang. Eksklusibo!
Bakit ngayon lang? At bakit ko nararamdan ito? Hindi ko alam!
Paano kung siya ang tama para sa akin at ako naman ang tama para sa kanya? Paano kung tama pero mali pa rin? Kungsabagay, "timing is everything", 'ika nga nila. Anu pa bang saysay ng makita mo na kung ano at kung sino ang tama kung mali naman ang panahon?
Wala! walang saysay ang tama sa maling panahon at pagkakataon, kundi ang isipin na lang na sa isang banda, nagmahal ka, nakaramdam ka ng pakiramdam na tama....
...sapat na siguro yun.

posted from Bloggeroid
ang drama! haha, kumanta ka nalang, hehehe, Got to Believe in magic, haha
ReplyDeleteAnebeyen??? Ayoko kumanta ng "neseyene eng lehet" :)))
DeleteButi pa whoops kiri na lang kantahin mo. With dance steps! Hahahaha char. Hug kita ati
ReplyDeleteButi pa nga siguro... hahaha, magpapalit ako ng piyesa....sa lalong madaling panahon!!! Hehe.
Delete