Mula sa pagkabata, ikaw ang nagisnan
Sa bawat araw na dumaan
Ikaw ang tinatakbuhan
Kahit minsan kami'y iyong napapagalitan
Iyon ay natural, nanay ka naman,
Habang lumalaki, andun ka sa aming tabi
Lahat ng gustuhin, pilit binibili
Bawat okasyon, may bago kami
Ganyan kami kamahal, mga anak na tinatangi
Nang malayo ako sa'yo
Sa tatay at tita ako
Laging umiiyak, pag di ka pa sumusundo
Tuwing BIyernes andyan ka na, tuwang tuwa ako
Pag Lunes wala ka na, nalulungkot na ako
Nang nagdadalaga, ikaw pa rin
Lagi sa aking piling
Di mo ako iniwanan, lagi pang inaalagaan
Gumagabay, nagtatanggol, nagmamahal
Iyan ka Inay, walang kasing rangal.
Dumating din sa puntong tayo'y nagtatalo
Lalo na nang sabihing mag-aasawa na ako
Ngunit anupamang dinadaanan ko
'Yun ka pa rin Inay, ang naging sandalan ko.
Ikaw na siyang lagi unang umuunawa
Mga problema at hinaing sa'yo'y inihihinga
Hindi nahihiya sapagkat mabait ka
'Yun ka, nandoon lagi, handang magparaya.
Ngayon Inay, ikaw ay wala na
Hindi pa rin lubos tanggap at
Lagi pa ring nadarama, ika'y parang nandyan pa...
Pati aking mga supling, alaala ka.
Sana Inay, ikaw ay masaya.
________________
a poem written by my sister for our beloved departed mother