Ngayon, hindi ko na alam kung ilang taon o buwan ang lumipas mula nung mawala siya… Siguro dahil tumigil na rin naman kasi akong magbilang. Nagsawa na rin naman akong umasa…Ngayon ko napatunayan na may magandang dulot ang pagsasawa… dahil kapag nagsawa ka na, kusa nang mawawala ang sakit na dinadala mo sa iyong dibdib, kusa itong lilisan, at hindi ma magkakaroon pa ng puwang para ikaw ay balikan. Kusa mong mararamdaman ang paghilom ng mga sugat, ang paglisan ng sakit, at ang pait..unti unti nang mapapalitan ng tamis.
May mga bagay talaga na dapat mong maranasan para ka matuto, may mga bagay talaga na dapat mong pagdaanan bago mo maintindihan ang kahulugan. Ano pa nga ba ang klasikong halimbawa kundi pag-big? Tama, pag-ibig ang nagbibigay ng saya at tuwa sa puso, pero ito rin ang siyang nagdudulot ng sugat at pait sa puso. Ngunit gaano pa man kasakit ang pinagdaanan mo at pagdaaanan pa, ang importante, natuto ka…ang mahalaga naramdaman mo kung paano minsan sa buhay mo ang lumigaya dahil nagmahal ka.Hindi naman dapat magsarado ang puso ng mga taong umibig at pagkatapos ay nabigo. Hinding hindi rin naman dapat na magtago kung may nararamdaman ka mang panibago kagaya ng muling pagtibok ng puso, o di kaya naman ay pagpapatawad o paglimot. At lalong higit, hindi dapat na mabuhay sa nakaraan kahit pa nga ito ang dahilan kung bakit ka nalugmok at nasaktan. Dahil ang nakaraan ay mananatiling nakaraan na lamang na dapat mo ring pagsawaan. Dahil ang pagsasawa…may mabuti ring dulot. Dahil ng pagsasawa… ito ang magsasabi sayo kung kalian tama na. Dahil nga kasi sawa ka na, kaya wala nang dahilan pa para balikan ang isipin ang mga bagay na kagaya ng pag-asa at paghihintay sa wala. Dahil ang pagsasawa, kung nagagawa mo ng tama… ito ang pinakamagandang aral na maaring matutunan sa pag-ibig.
At dahil marami na akong nasabi, siguro dapat alam niyo na ang ibig kong sabihin. Dahil kung patuloy akong magpapaliwanag, eh baka naman kayo ang magsawa. Kaya yun lang, nakakasawa na rin kasi eh.