Friday, February 3, 2012

komplikado


akala ko, ako na ang pinakacomplicated at pinakamagulo ang pinagdaanan pagdating sa lovelife kumpara sa mga kaibigan ko.  ngayon ko na realize na hindi pa, kung tutuusin, sa sitwasyon ko ngayon, ako pa ang pinakamaswerte, at ike-claim ko na, pinakamasaya. oo wala akong asawa, anak, o boyfriend, pero wala rin akong problema, sakit sa ulo, iniisip, o kinakatakutan...

ngayon ko naisip na iba't-iba talaga ang contentment ng tao, iba iba rin ang level ng happiness. hindi natin pwedeng ikumpara ang sarili natin palagi sa ibang tao, lalo't higit sa mga kaibigan mo o taong malalapit sa iyo.  "hindi ako ikaw, o hindi ako siya", yan ang palagi kong isinasaksak sa utak ko, at sana ay maintindihan ng mga tao na mahilig magkumpara sakin sa kung sinu-sino, kahit  pa nga mabuting tao naman yung pinagkukumparahan.

masarap kasing magkaroon ng individuality eh, kahit pa nga sa mga problema, mas okey pa rin yung unique lang yung para sa iyo. hindi naman lahat kasi ng tao, pare-pareho ang pagtanggap sa mga nangyayari sa buhay nila. merong iba na akala mo simbigat na ng mundo ang pasan pasan na problema, pero meron naman na kahit pa ilang bagyo ang dumaan, ayun nakatayo pa rin at lumalaban.  maaring ang mundo para sa akin, isang pirasong bato lang ang katumbas para sa ibang tao, kung problema ang pag-uusapan.

at dahil nga problema, at lovelife ang topic nitong sinusulat ko, sobra lang akong nagulat na napaka kumplikado na pala nang pinagdadaanan ng isang kaibigan ko. hndi ko lubos maisip kung paano niya nagawang pasukin ang bagay na iyon. pero isa lang din naman ang masasabi ko sa kanya, proud pa rin ako sa kanya dahil naging responsable siyang harapin kung anuman yung mga dapat niyang harapin, tama, hindi siya nagpatalo sa mga pagsubok, at sana wag siyang magpatalo sa mga susunod pa.

haaay.....ngayon ko talaga naisip na napakaswerte ko. anu pa bang mahihiling ko? wala lang akong titulo para masabing committed ako, pero masaya ako ng ganito, alam ko na may nagmamahal sa akin, at alam ko na marunong akong magmahal, yun naman ang mas importante siguro :)