Showing posts with label letter. Show all posts
Showing posts with label letter. Show all posts

Thursday, August 22, 2013

Wanted: Boarder!


Dear Mark,

       Alam ko naman na aalis ka rin, matatapos din ang lahat kaya mabuti pang huwag na lang nating umpisahan 'to. Pagod na pagod na akong sa pakiramdam na laging iniiwan at pagod na akong masaktan. Hindi ko alam pero bakit kahit anong pagod ko napapawi kapag nararamdaman ko na sa isang banda ng buhay mo, may espasyo din para sa akin. Hindi ko maiwasang isipin na pwede rin akong maging masaya, pwede rin kitang makasama, pwede din kitang mahalin.

    Kahit na alam ko na magulo pa sa pinakamagulo, mas komplikado pa sa pinakakomplikado itong pinapasok ko, hindi ko pa rin mapigilan. Eh ang hirap naman kasing kalabanin ang sarili, ang hirap pagsabihan ng puso ko. Pero, wala na eh, laglag na ako.

          Sa totoo lang, gusto kong magalit sa iyo kasi hinayaan mo akong mahulog tapos hindi ka naman sigurado na kaya mo akong saluhin. Alam ko sinabi mo na 'yun, sinabi mo na makailang ulit na gagawin mo ito, pero iba pa rin ang nakikita at nararamdaman ko. Alam mo, gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit ako naniwala na hindi kasalanan ang maging masaya. Baka nga kasi hindi ako nababagay maging masaya, baka hanggang dito lang talaga ako. Baka ito ang kaparalaran ko, wala eh, kahit anung gawin ko, hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Nasasaktan dahil kahit gaano ko paikut-ikutin ang istorya natin, talagang huli na ang lahat... maaring pati ang pagtatagpo natin huli na rin, dahil nangyari ito sa maling panahon. Mali na hindi na maitatama pa, o tama na mananatiling sa paniniwala na lamang.

        Wala naman akong gustong mangyari na kahit ano, ang sakit lang kasi isipin na kung kailan ko naramdamang handa na ako at ang puso ko, saka ka naman dumating. Dumating ka pero hindi naman permanenteng mananahan sa lugar na inilaan ko para sa iyo.

         Siguro, paalam na lang. Masakit talaga eh pero siguro, "boarder" ka lang sa puso ko, at paso na ang kontrata natin. Tapos na. 

          Ingat ka sa bago mong bahay, sa bago mong buhay. 

                                                                                                                                                                                                                             Nagmamahal,
                                                                                                                                                                                                                             Julia

Wednesday, July 10, 2013

Ekay

Dear Ekay, 
         Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko uumpisahan sabihin ang lahat ng ito sa iyo. Hindi ako magaling magpaliwanag, at hindi rin ako magaling magsulat, pero ang isa pang hindi ako magaling, eh yung makita kang nasasaktan. Pasensiya ka na kung sumulat na lang ako sa iyo. Gusto ko man sabihin lahat ng personal sa iyo ito, gusto ko man makita ka, alam kong ayaw mo na akong makita.   
        Alam ko nasaktan kita ng sobra. Hindi ko alam kung anu pang salita ang maari kong sabihin para lang ipaalam sa iyo na alam kong nagkamali ako. Hinihingi ko na sana mapatawad mo ako. 
       Hindi natin ginusto ang mga nangyari, nagkamali ako pero alam kong kasalanan ko. Akala ko kasi ‘yun lang ang isang tamang bagay na pwede kong gawin e. Ginusto ko lang magpakatotoo sa sarili ko at sa iyo kahit pa nga nakasakit ako sa proseso. Sinubukan ko, alam ng Diyos kung paano ko sinubukang ayusin ang lahat sa ating dalawa, sinubukan kong ibalik lahat, at pantayan ang lahat ng kaya mong ibigay at patuloy na ibinibigay, pero bigo ako at patuloy na mabibigo dahil napakabuti mo. Hanggang doon na lang talaga yung kaya ko eh, mahina ako, marupok, at hindi ko kayang tularan lahat ng ginagawa mong kabutihan, kahit pa gaano ko sikapin ‘yun. Ayokong maging isang tao na hindi naman talagang ako. 
      Minahal kita, alam mo ‘yan, at alam ko rin kung gaano mo ako pinahalagahan at inalagaan sa panahong tayo ay magkasama. Hindi naman tayo aabot sa ganito kung hindi natin pareho naramdaman na parte tayo ng isa’t-isa, pero siguro hindi lang talaga sapat yun para manatili pa tayong magkasama. Sa bandang huli, masasaktan lang natin ang isa’t-isa dahil magkaiba tayo at alam natin na maraming bagay ang hindi natin kayang harapin ng magkasama. Huwag na nating hintayin pa ‘yun dahil ayokong masaktan kita ng paulit-ulit, ayoko ring baguhin ka. 
          Sana maintindihan mo ako.
          Sorry Ekay!

Saturday, March 26, 2011

hiling

Para sa iyo Jay,

     Ang ginawa mo sa akin ay lubhang napakasama.  Dahil sa iyo, masyado na akong tumitingin sa panlabas na anyo, estado ng buhay, pananaw, pangarap, sa kung anu ang meron sa hinaharap, sa lahat lahat ng bagay na HINDI IKAW!  Naging napakababaw na ng pagtingin ko sa tinatawag na relasyon dahil alam kong sa oras na pinasok ko ito, may hangganan na naman, may deadline, may expiration.  Hindi na rin ako ngayon madaling maniwala - at pagkatiwalaan.  Hindi na nga ako madaling mapasaya dahil hindi ko na alam kung tunay ba iyo o pagkukubli lamang sa isang bagay na makakasakit sa akin.  Sa madaling salita, masyado na akong nagdududa.  Hindi ko na nga rin yata alam kung paano ba ang magpasaya ng iba.

     Hindi ko alam kung nasaan ka na at ano na nga ba ang estado ng buhay mo.  Nagbago na kaya ang iyong itsura? Natuto ka na rin ba sa buhay. Malawak na ba ang iyong pang-unawa o may mga plano ka na ba para ayusin ang buhay mo?  Wala naman akong balak na alamin ang lahat ng ito. Gusto ko lang sanang hilingin na palayain mo na ako - ang utak, ang puso, na nakagapos pa rin sa alaala mo!

                                                                                                                                               - Lila
                                                                                                                                  
----------------------
Still haunted by her past relationship 2 years ago, the author was able to write this to her ex-boyfriend.  This is an unsent letter.

Wednesday, March 23, 2011

The Unread Letter (A Letter for 3000 Angels)

Dear Angel,
      It’s not everyday that I get to thank God for all the blessings I have been receiving from Him and I realized that this is a good time.
     When I met you, I know that you are that one person that God sent me in order to appreciate my life more… the life that I chose to live, a life that I simply took own control of.  I chose to believe in what felt good and convenient for me, the life that I thought was God’s will.  I took it out of my own understanding, I boasted about it because I simply thought that I can do it alone.  I am strong and I can manage!  
     But when I was giving up, you were there.  When I was beginning to rise up, you had your share of falls and downsides which gave me a feeling that I belong, that I am needed, that I am important no matter how unworthy I feel and saw myself then.  You gave me all that.
     Never a single day that I forgot about the moment when we opened up and begin to share God’s love. I can still remember the shoulder you gave me when I had to shed tears then.  You were a friend…you still are.  And now that I am finally getting through the pains and scars of the past, I find myself invited by the thoughts of you. If I wasn’t there, I am sorry. For a number of callings and a couple of minutes to talk  and I wasn't available, forgive me. But I always think of you... just like now.
     I know and I feel that there is one person who continues to pray for me ------and that is you.  Now I am relieved because I found my missing self again.  I am ready to take on and face the world that I left.  
     I’ll meet you sometime, probably share a cup of coffee and talk about things like we used to.  And hey, I’ll be joining a prayer group again so I can bring back my old self.     I will continuously pray for the both of us so we may find the peace that I know we both need.
     God bless! I miss you my angel!
                                                                                                                            - Lain

Thursday, November 4, 2010

"Dear Jay"

Dear Jay, 
           I want to hate you but I still can't.  I am not hoping for anything and i don't need you back either.  I just want to get out of this pain. Please get out of my mind and stop hurting me.  Don't do this to me because i can no longer hold you in my heart.  

           I loved you... and I still do.  but life must go on now.  The world will keep on turning even if there's no more you and I.  Let me deal with this pain, but i am not staying.  Let me tell you goodbye for now but  I shall wait for the perfect time when I am no longer affected by the thought of you.  

           I am sorry if I did not become the person that you want me to be.  I am sorry that love has to fade that way.  I am sorry for not being perfect.... but never for loving you.  

          Goodbye...and I wish you well.
             
                                                                                                                                                                                            -  Lila