Hindi pa rin ako natutulog hanggang ngayon kahit pa nga alas dos na ng madaling araw. Eto ako ngayon nakaharap pa rin sa computer, pagod na yata ang utak at mata ko kakaisip at kakatingin kung anu ba ang dapat ko talagang isulat…ano ba talaga ang dapat kong gawin at pagplanuhan sa mga susunod na araw, buwan o taon pa? Ang hirap ng ganito….binigyan ako ng takdang oras para tapusin ang isang bagay na kailangan ko pang alamin at pag-aralan. Hay! Magagawa ko kaya iyon sa loob ng bente kuwatro oras??? Kung pwede ko lamang itigil ang orasan sa pag-ikot, kung pwede ko lang hilahin ang gabi para maging araw, at kung pwede ko lang pigilan ang araw sa pagsikat maya-mayang konti eh gagawin ko talaga mabigyang oras lamang ito. Matapos ko lamang… hay! Bakit ba naman kasi ngayong araw pa nangyari lahat ng ito? Eh di sana nga nakapag-isip na ako at nakatapos kung anuman nga ang dapat kong gawin.
Hanggang ngayon nga nananakit pa ang aking paa sa mahigit na isang oras na pagtayo habang nag-aabang ng bus na masasakyan… Eh maliban sa pagtaas ng pamasahe, at bahagyang pag-iistrike ng mga sasakyan, eh may sunog pa sa may bandang Pasay. Anu kaya ang dahilan at nangyayari lahat ng ito? Hay… kelangan ko ba talaga silang isipin? Kelangan ba talaga akong maapektuhan? Bakit kasi ganun ang mga nagaganap? Ewan ko ba…ewan ko talaga….ang alam ko lang….may kailangan akong tapusin,,,,kailangan kong gawin, kailangan kong isipin.
Kailangan ko na ngang balikan ang aking programang dinidisenyo, kailangan ko nang pag-isipang mabuti ang lahat. Sa loob ng maikling panahon..hmmm,… mga tatlong oras pa, ay kailangan ko na nga na tapusin ito….dahil bukas….bukas pagpasok ko....hay ipapasa at gagawin na ito….