Hindi na ganun ka-grabe ang kaba na naramdaman ko nung muli kitang makita, siguro nga nawawala na ang matindi kong paghanga sa iyo. Mas naging "confident" na kasi ako sa pagharap, pagngiti, at pagbati sa iyo, pati naman ako nagtataka sa reaksyon ko, pero sabagay mas okey na talaga ito.
Ganunpaman, hndi pa rin nagbabago na sa tuwinang mangyayari ito, sumasaya ako. Nabubuo ang araw ko, nalilimot ko sandali ang mga pinoproblema ko. Siguro iyan talaga ang "role" mo sa buhay ko -- ang pagaanin dahil medyo mahirap ito ngayon.
Hindi ka man talaga magiging akin, isa lang ang aking ipinapanalangin, yun ay ang hindi ka mawala, yun ay ang pag-asa na sana hindi ka umalis... Kaya, Lando, wag kang aalis, diyan ka lang!