Tuesday, March 1, 2011

defensive

...nakakapagod na umintindi sa mga taong makikitid ang utak. Kahit anong gawin mo, may kulang ka pa rin,kahit anong pilit mo, mali ka pa rin.

Ang dedefensive lang eh, akala nila perpekto sila. Pwedeng mas mataas lang  kayo sa'kin, pero sinasabi ko sa inyo, sa height lang kayo lamang dahil hindi ako magpapatalo at susuko! Nagpapakabait na ako pero nakakapikon kasi eh, kaya nga tayo iba't-iba ng role di ba? kung pwede lang sabihin na "OH E DI IKAW NA DITO, PALIT TAYO ONE TIME LANG"!

___________________________________________________________________________________________

This was suppose to be a status message in my facebook account, but since it says that status messages are limited to 420 characters only, I opted to write this as a blog instead.
forgive me if this doesn't look or sound good to you. I just wanted to make everything spontaneous.  This is what happened, and this is what I feel. This is me!

A phone call woke me up today. It was a call from a student who is seeking for my rescue.  She was too confused that she actually didn't know what to do or what to answer. She doesn't know what to do.  Apparently a teacher from her department told her that she needed detailed information about the project i allegedly disapproved. 

and then I opened my mail, and got another complaint letter apparently of the many mistakes we have been doing in performing our jobs. I mean, is that that easy? Can you tell me I am wrong just because you didn't get what you wanted?

Hays... (sigh) Why are people used to assuming things?  Submission doesn't always mean approval.  Just like in life, right? It doesn't mean that when you want something, you can easily get it.  It doesn't mean that you made all efforts to do something, you can already compel people to believe in you or to heed to your demands.

I am not making their lives miserable.  All I am asking is that, they must learn to value my role as I value theirs.  We were not put here for the name's sake only.  We have different roles to play, and we all deserve to be respected.  I am not asking for too much. i am not demanding that they bend their knees before me just to get my approval, all I am asking is that for them to learn that we are all important. We can all work things out if they just won't be defensive, If they would just listen and ask for details first.

I just hope they won't be immediately defensive. There is no aggression yet!

kung alam mo lang...

Kung alam mo lang na nanggaling din ako diyan
Kung alam mo lang na ilang beses din akong nasaktan
Kung alam mo lang ilang baldeng luha din ang aking nailuha bago ako napatahan
Kung alam mo lang ilang beses din halos ang buhay ay gustong wakasan
Kung alam mo lang naramdaman ko rin lahat ‘yan
Kung alam mo lang umibig din ako at iniwan
Kung alam mo lang…….kung alam mo lang…

puso

tumitibok-tibok na ang puso
wait...saglit...stop! hinto!
tumatalon-talon na sa saya at kaba
hindi yan, umiibig ka? hindi pa!

kumakaba-kaba at kinikilig-kilig
hay naku puso, wag kang maligalig.
nagmamahal, nag-aalala ka na
pigilan mo muna hangga't handa na

muli nang gumagana ang tulog na puso
takot lang naman akong ika'y mabigo
pamamahinga ngayo'y tapos na...
kung ganun sige, papayagan kita.

salamat puso, pumapalakpak
basta't paganahin ako pati na ang utak
ang pagmamahal muling makakamit
bubuuin ang puso...sa tamis at pait.

Saturday, February 26, 2011

bibingcrepe

I am craving for "bibingcrepe" now, the bad thing is that, (as far as I know) it's only available in Half Moon.  They only have 2 branches, one in Baguio and in one  in Tomas Morato, Quezon City.    


This mouth-watering dessert is perfect with coffee.  I first tasted this in February 2009, and every time I'll go to Baguio, I make sure that I will have bibingcrepe in my menu list. With choice of chocolate or  cheese,(or both) coming out every bite, wow! I am getting hungry now... but I am in Las Pinas :(

Friday, February 25, 2011

“Ang Buhay parang Diner Dash"


Eto na naman ako, shempre pa nasa harap ng aking kompyuter, hindi ko nga alam kung anung isusulat ko eh. Marami akong dapat gawin pero nauwi  lang ako sa paglalaro ng “Diner Dash”, eh kasi naman mas madali pa yung mga instructions dun pati  kung paano ka makakaabot sa goal mo, paano ka kikita ng pera, at higit sa lahat mag-upgrade ng mga bagay-bagay na kaaya-aya sa paningin ng ibang tao lalo na yung mga pinagsisilbihan mo. 

Hay buti pa ang isang laro, nakakaaliw gawin, nakakaaliw pakinggan at tingnan habang nakikita mo ang iyong progreso, at wari ba’y hindi ka titigil sa stage na yun hanggang kaya pa ng powers mo…
Pagkatapos, pag nag-game-over, pwede namang “try again”… pwede rin naman “retry level”, yun bang hindi mo na kailangang bumalik sa pinakaumpisa para makapagsimula ulit…. Yung parang walang nangyari tapos ipagpapatuloy mo lang, minsan pa nga andun pa rin yung score mo, ni hindi nabawasan, tapos may reminder pa kung anung gagawin para makalampas ka sa stage na ganun….

Sana ganun lang kadali ang buhay ano? Yung kapag nagkamali ka o kaya naman kung nasaktan ka, pwedeng “try again”, pwedeng “continue” lang tapos okey na ulit, back to the game, wala pa ngang isang minuto, pindutin mo lang yung “ok” ayos na ulit!

Sana nga ganun lang magbura ng mga mali sa buhay mo, sana ganun lang din kabilis maghilom ang mga sugat kapag nasaktan ka ng sobra…

Sabagay, ika nga, laro kasi yun eh…eh ang sinasabi ko naman, totoong buhay. Malaki naman ang pagkakaiba di ba? Teka, malaki nga ba? Eh bakit may mga taong mahilig maglaro? O di kaya naman ay manakit ng kapwa, umapak ng dignidad, o kaya naman mangwasak ng pangarap?  Bakit nga ba may mga taong ang tingin sa buhay, o sa pag-ibig, ay isang laro lamang? Hay ewan ko, hindi ko alam ang sagot…

Buti pa sa diner dash, hindi naman mawawasak ang pangarap mo na marating ang dulo ng laro,,,, ang kelangan mo lang paulit-ulit lang, praktis ng praktis, tapos maabot mo rin ang goal mo, yung target score mo hanggang maging masaya ka kasi natapos mo na yung laro. Minsan pa nga ”expert goal reached” pa, bonus yun, ibig sabihin nag-exceed ka pa sa kung anu lang ang hinihingi sa’yo.   Ganun din naman ang buhay…minsan kelangan mo paulit-ulit ma-game-over, matalo, o mag try again para maabot mo kung anuman ang gusto mong marating…. Ah tama… Minsan wala ngang pagkakaiba ang laro at ang buhay…

Kaya ako, ilang beses mang madapa, magkamali, o masaktan, alam ko sa bandang huli,  magiging matatag pa rin ako…. Eh ano naman ngayon kung ma-game-over? Hindi pa naman katapusan ng mundo… Ang importante, susubok ulit ako, maglalaro ulit ako, haharapin ko lahat, kakayanin ko hanggang makarating ako sa Final Stage…

Oh ano? START?
______________
dahil hindi pa ako inaantok at wala na akong maisulat sa assignment na kailangan ipasa sa opisina bukas (mamaya pala), eto naglaro muna ako ng Diner Dash….tapos, narealize ko na yung mga nakasulat dyan sa taas oh…
…akalain mo nga naman, na-justify ko pa yung paglalaro ko imbes na mag-aral ako ng Political Law at gumawa ng curriculum ng program ko? Hehehe… at akalain mo ba namang may mapulot pa akong aral sa “Diner Dash”?



Tuesday, February 22, 2011

huling hantungan

papalapit na ng papalapit ang oras ng iyong pag-alis
...tik tak... tik tak....bawat minutong pumapatak.
ilang saglit pa ay permanente ka nang mawawala 
sa aming mga paningin, sa aming piling.
ayoko mang dumating ang sandaling iyon, 
wala akong magagawa para pigilan ang oras, 
para ibahin ang tadhana - ang tadhanang nakatakda mo kaming lisanin.

...sa kabila noon, iniwan mo kami sa panahong kami ay may kahandaan
kaming lahat, maging ikaw man...
kaya sa araw ng iyong pagpanaw, at sa araw ng iyong libing,
hindi ka na nga magiging parte ng bawat naming paggising,
kinabukasan....wala ka na sa aming piling.
hindi man maabot ng tingin, nasa isip ka namin ng taimtim.
...hindi  ka namin malilimutan, Inay!

Sunday, February 20, 2011

Kalansing

Bumukas ang salaming pintuan
Pumasok ang mga batang
may putikang paa,
bitbit ang supot
na puno ng barya…

Sosyal na rosas na
lalagyan…
Laman ay siyam na raang
mamisong barya,
lukot na beinte,
kalawanging tanso,
alay sa pinakamamahal
na butihing guro.


— Alay para kay Ma’am Luz