Tuesday, January 3, 2012

bagong bagong taon

walang ingay ng paputok at torotot
wala ring mga kalampag at kalabog
walang pasabog na barya at mamera
...bagung-bago ang bagong taon na wala ka


may salu-salo mang handa sa hapag
kasiyaha'y di lubos na mabanaag
iba pa rin ang nakaraang taon
kumpleto pa kasi tayo noon


alam namin kailangang magpatuloy sa buhay
pero sadyang kayhirap ng wala ka, inay.
hindi na talaga katulad ng dati
'pagkat ikaw ang siyang abala palagi


ngunit wala ka man sa aming piling
ang magkakasama ang pamilya, yan ang iyong hiling
kaya't sa bagong taon o kailan pa
kaming naulila'y magmamahalan sa tuwina

Wednesday, December 14, 2011

ok lang

ok lang naman ako kung wala ka,
kunware na lang hindi tayo nagkita.
ok lang naman ako kung wala ka,
kunware na lang di tayo nagkakilala.


ok lang naman na hindi mo sabihin,
anu ba naman yun malalaman ko din.
ok lang naman na wag mo nang pansinin,
anu bang mangyayari, di ba ganun din?


ok lang naman na tumigil ka na,
kesa naman patuloy pa akong aasa.
ok lang naman na wag mo na rin umpisahan,
kung balak mo rin naman agad wakasan.


ok lang naman na wala ka nang panahon,
mabuti na ang malaman yun agad ngayon.
ok lang naman na wala ka na,
...sayang lang, kasi mahal na kita!

Saturday, September 17, 2011

mag-isa!

...wag mong iwan ang isang taong nagsasanay palang mag-isa, dahil pag nasanay na siya at kaya niya na, dun mo malalaman na hindi mo na pala siya kayang iwan dahil natatakot ka na ring mag-isa :(

Thursday, September 15, 2011

..diyan ka lang

Hindi na ganun ka-grabe ang kaba na naramdaman ko nung muli kitang makita, siguro nga nawawala na ang matindi kong paghanga sa iyo.  Mas naging "confident" na kasi ako sa pagharap, pagngiti, at pagbati sa iyo, pati naman ako nagtataka sa reaksyon ko, pero sabagay mas okey na talaga ito.

Ganunpaman, hndi pa rin nagbabago na sa tuwinang mangyayari ito, sumasaya ako. Nabubuo ang araw ko, nalilimot ko sandali ang mga pinoproblema ko.  Siguro iyan talaga ang "role" mo sa buhay ko -- ang pagaanin dahil medyo mahirap ito ngayon.

Hindi ka man talaga magiging akin, isa lang ang aking ipinapanalangin, yun ay ang hindi ka mawala, yun ay ang pag-asa na sana hindi ka umalis... Kaya, Lando, wag kang aalis, diyan ka lang!


Tuesday, September 13, 2011

Dream Big

I got this little  poster from papemelroti a few years back marked as "Today's Advice", I was so hooked on it that I kept buying as soon as there is a newer and more colorful version.  This year, mine is an updated one, with new fonts, new styles, and of course in my favorite color - purple. Although it practically has the same contents, I am still excited to hang this new poster just beside my study table.  I thought that maybe one advice a day could help me get inspired, and not to quit no matter how hard these things that I am doing gets.

It has been two weeks now and for the almost 10 times I've been pointing my fingers (with both eyes covered of course) to those little squares containing inspiring messages, I kept on pointing at one particular advice which says "DREAM BIG"!

I don't know what it means really or if ever I have an idea, I don't know how I will be able to translate that to the things that I do now.

Ever since I was a kid, I am not much of a dreamer. I was aware that I am just an average girl, not so popular, not pretty, not so wise and smart, not a genius, but I know that I can live by.

I knew that I will stand on my own soon enough, I will live a normal and happy life when I get older, in fact, I never dreamt of becoming rich or famous someday. Not even becoming a doctor, a business tycoon, an engineer, what more of a lawyer?

I just remembered once I thought of becoming a Chemical Engineer or a Scientist for that matter, but that dream fell apart when I was barely getting a passing grade in my Chemistry subject in third year high school.  Since then, I didn't want to dream at all. I kept on saying I was not futuristic and if ever someone asks me what do I want to become, I don't have a ready answer.  I could always sing the "que sera sera song"  whatever will be will be.  For so many years that was my life  --- even my career theme song when I started working.

I tried going to Accountancy in College (even though Math sounds alien to me). I don't know, maybe I just thought that after that, I will be able to work in a bank or a business, and in fact, CPA sounds so noble to me. Certified Public Accountant, wow!

But I was terribly devastated when I was excelling in almost all my subjects except the Fundamentals of Accountancy where I got a failing mark.  It once again felt that the world fell down on me.  Is this another dream I am bound to not fulfill?
I had to transfer to another university and take another degree which I didn't like but had no choice but take.  I don't know where I was going and I don't know if I am gonna get there either so I just let everything happened.

Fate has a way of saying that not everything that we don't like is really bad for us.  Who says that you can't excel in something that you can't take or you don't like?  I was lucky to get that "cum laude" distinction when I graduated.

...and now, it's time that I think of the future, of what will happen, and of what I really like.  Life had been full of challenges, but I know that everything happens for a reason.  We might not understand it now, but it's meant to teach us a lesson...soon, when we are much ready to open our eyes wider to see those reasons.

I am now reviewing for the bar, and although it is literally giving me headaches to try to understand the idiosyncracies of the law, I will not stop.  Just like what a friend told me, "Do not stop when you are tired, stop when you are done"! 

To try to recall, understand, and apply in a few months time what I have studied for almost 7 years is no joke. It meant sleepless nights, terrible headache, and so much difficulties I had to bear. But I will not stop now just because I am tired, I will stop when I am done.  It's time to DREAM BIG now! And I am dreaming and praying to God for Him to give me that 4-letter and a period that I could write before my name :)

Dream big!

Thursday, August 25, 2011

tanga-hanga

Salamat sa isang kaibigan dahil niyaya niya ako pumunta sa lugar na iyon.   Nagdadalawang-isip pa nga ako eh kasi naman may mga importanteng bagay din akong dapat isagawa sa araw na ito pero nanaig ang kagustuhan kong bigyan ng konting pabuya ang sarili ko sa pagsisikap ko nang may ilang araw... sumama ako!

Naisip ko na talaga ang posibilidad, pero mabilis ko ring binawi sa isipan ko dahil alam ko naman na hindi yun ang pakay namin, isa pa, may kalabuan talaga dahil malawak, magulo, maingay, at wala talagang pagkakataon ang pagtatagpong inaasam ko para sa ating dalawa.

Pero siguro nga may mga munting panalangin na hindi naman mahirap ipagkaloob.  May mga munting kahilingan din na madaling tuparin.  Gaya ng dati, hindi ko na naman inaasahan na makikita kita muli.  Minsan ko na kasing nilisan ang lugar kung saan kita natagpuan  -- maging ang pag-asa na maari pa tayong, magkalapit ay iniwan ko na rin may ilang buwan na ang nakakalipas.  Pero sadyang hindi pa rin maipaliwanag sa tuwing magkikita tayo ay kakaiba pa rin ang nararamdaman ko...

Pagkababa ko pa lang ng sasakyan kung saan ako lulan ay nasilayan ko na ang mukha mo, ang matikas mong katawan, at ang iyong matamis na ngiti.  Marahil, nakita mo rin ang biglang pagbabago ng aking mukha mula sa maputla-putla epekto ng puyat nung nakaraang gabi, hanggang sa kumulay rosas ang aking mga pisngi.  Damang-dama ko ang init ng aking mukha dahil sa pagkabigla.  Wala na naman akong nasabi, tila naging pipi na naman ako at walang lumabas na kahit isang salita sa aking bibig kahit pa nga marami akong nais na sabihin sa iyo.  Kaya't kumaway  na lang ako para ipaalam sa iyo na napansin kita.  Ginantihan mo naman iyon sa pamamagitan ng paghawak sa aking mga kamay. Kung tutuusin wala naman iyong halaga para sa iyo, marahil ito ay isang ordinaryong gawain na lamang - sigurado ako dun.  Pero para sa isang tao kagaya ko na minsan lang bumalik at mapansin mo, ay sobrang halaga na ng tagpong iyon.  Halata naman di ba? kinailangan ko pa itong isulat sa ganitong paraan.

At yun na nga! Inisip ko na nga na ano kayang pakiramdam kapag maari na tayong maghawak ng ating mga kamay -- na may ibig sabihin, nang may pag-aangkin  --- dahil akin ka na?
Pero siyempre, naisip ko lang yun, at kahit may pangungulit na kahalo ang paghawak mo, hindi mo ako sinabihang mabilog sa pagkakataong ito (kasi naman madalas mo akong sabihan nun, sa tuwi-tuwina na lang...hindi ko tuloy alam kung totoo ba o talagang biro lang).  Subukan mo lang akong tuksuhin muli ng mabilog, at tiyak na itutugon ko sa iyo na bumibilog na pati ang mundo ko  --- sa iyo!

Sa huli, hanggang dito lang naman talaga ako eh. Isang kakilala, kaibigan, taga-hanga.
'Wag lang sana talagang dumating ang panahon na mahalin na kita ng sobra, dahil ayokong manatiling tagahanga, TANGAhanga :(


Sunday, July 31, 2011

bagyo!

para kang isang bagyo,
grabe nasasalanta na ako sa'yo,
daig pa ng hagupit ng hangin
ang lakas ng dating mo sa akin.


para kang isang bagyo,
talaga namang kakaiba ito
sa tuwing dadating ka dito
parang may delubyo sa puso ko.


para kang isang bagyo,
daig mo pa si Ondoy at Milenyo
idagdag mo pa si Juaning at Kabayan
sa puso ko'y umaaraw umuulan


para kang isang bagyo
may habagat sa puso ko,
sana "Batanes" na lang ako.
yan nga ang aking hinihiling
para madadaanan mo ako
sa tuwinang ikaw ay darating.