Salamat sa isang kaibigan dahil niyaya niya ako pumunta sa lugar na iyon. Nagdadalawang-isip pa nga ako eh kasi naman may mga importanteng bagay din akong dapat isagawa sa araw na ito pero nanaig ang kagustuhan kong bigyan ng konting pabuya ang sarili ko sa pagsisikap ko nang may ilang araw... sumama ako!
Naisip ko na talaga ang posibilidad, pero mabilis ko ring binawi sa isipan ko dahil alam ko naman na hindi yun ang pakay namin, isa pa, may kalabuan talaga dahil malawak, magulo, maingay, at wala talagang pagkakataon ang pagtatagpong inaasam ko para sa ating dalawa.
Pero siguro nga may mga munting panalangin na hindi naman mahirap ipagkaloob. May mga munting kahilingan din na madaling tuparin. Gaya ng dati, hindi ko na naman inaasahan na makikita kita muli. Minsan ko na kasing nilisan ang lugar kung saan kita natagpuan -- maging ang pag-asa na maari pa tayong, magkalapit ay iniwan ko na rin may ilang buwan na ang nakakalipas. Pero sadyang hindi pa rin maipaliwanag sa tuwing magkikita tayo ay kakaiba pa rin ang nararamdaman ko...
Pagkababa ko pa lang ng sasakyan kung saan ako lulan ay nasilayan ko na ang mukha mo, ang matikas mong katawan, at ang iyong matamis na ngiti. Marahil, nakita mo rin ang biglang pagbabago ng aking mukha mula sa maputla-putla epekto ng puyat nung nakaraang gabi, hanggang sa kumulay rosas ang aking mga pisngi. Damang-dama ko ang init ng aking mukha dahil sa pagkabigla. Wala na naman akong nasabi, tila naging pipi na naman ako at walang lumabas na kahit isang salita sa aking bibig kahit pa nga marami akong nais na sabihin sa iyo. Kaya't kumaway na lang ako para ipaalam sa iyo na napansin kita. Ginantihan mo naman iyon sa pamamagitan ng paghawak sa aking mga kamay. Kung tutuusin wala naman iyong halaga para sa iyo, marahil ito ay isang ordinaryong gawain na lamang - sigurado ako dun. Pero para sa isang tao kagaya ko na minsan lang bumalik at mapansin mo, ay sobrang halaga na ng tagpong iyon. Halata naman di ba? kinailangan ko pa itong isulat sa ganitong paraan.
At yun na nga! Inisip ko na nga na ano kayang pakiramdam kapag maari na tayong maghawak ng ating mga kamay -- na may ibig sabihin, nang may pag-aangkin --- dahil akin ka na?
Pero siyempre, naisip ko lang yun, at kahit may pangungulit na kahalo ang paghawak mo, hindi mo ako sinabihang mabilog sa pagkakataong ito (kasi naman madalas mo akong sabihan nun, sa tuwi-tuwina na lang...hindi ko tuloy alam kung totoo ba o talagang biro lang). Subukan mo lang akong tuksuhin muli ng mabilog, at tiyak na itutugon ko sa iyo na bumibilog na pati ang mundo ko --- sa iyo!
Sa huli, hanggang dito lang naman talaga ako eh. Isang kakilala, kaibigan, taga-hanga.
'Wag lang sana talagang dumating ang panahon na mahalin na kita ng sobra, dahil ayokong manatiling tagahanga, TANGAhanga :(