When is enough really enough?
posted from Bloggeroid
Oh umpisa pa lang magdi-disclaimer na ako ha? Hindi ko original na gawa ang mga katanungang ito, pero ang mga sagot akin.Natuwa lang ako sa mga tanong eh madalas kasi hindi tayo "responsive" sa mga tanong sa atin kasi nagsasalita pa lang yung kausap natin, nagtatanong pa lang, nagpoproseso na ang utak natin ng sagot, 'yan tuloy mali tayo ng nasasabi. Kung ganito kaya ang mga tanong sa iyo?
1. KUNYARI NAG-ILOVEYOU KA NA SA CRUSH MO TAPOS BIGLANG MAY LUMITAW NA DRAGON SA HARAP MO, ANO FAVORITE MONG PAGKAIN?
? Nakow..marami
2. PAG LUMINDOL NG MALAKAS AT KATABI MO CRUSH MO, ANONG GUSTO MONG SABIHIN SA MGA MAY AYAW KAY PACQUIAO?
? Pareho pala tayo
3. KUNYARI MANANALO KA NG 1 MILLION, ANONG GUSTO MONG KULAY NG RAINBOW?
? Violet...kelangan pa bang i-memorize yan.
4. BINIGYAN KA NG KAPANGYARIHAN NG DIWATA, ANONG NAME NG FIRST CRUSH MO?
? Jessie
5. IPAPAMANA SAYO ANG MGA ARI-ARIAN NIYO NG TATAY MO. KUNG PAPIPILIIN KA, PUNK O EMO?
? Emo ata :)
6. KUNYARE PAPATAY KA NG TAO, SAAN KA GALING KAGABI
? Sa Southmall
7. KUNYARI NASA GUBAT KA NA PUNONG PUNO NG MGA MAPANGANIB NA HAYOP, PAPAYAG KA BA NA MAPUNTA SI ANGEL LOCSIN KAY KUYA RODERICK?
? Eh ano naman
8. SA HIRAP NG BUHAY NGAYON, ANONG FAVORITE MO’NG BAND?
? Eraserheads at Parokya ni Edgar pa rin
9. KUNYARI NAKASALUBONG MO EX-LOVE MO NA MAY KASAMANG BAGONG BOYFRIEND/GIRLFRIEND, ANONG GAGAWIN MO PARA MAKATULONG SA MGA NASALANTA NG BAGYO?
? Magdodonate ng old clothes :)
10. NABUNTIS MO GIRLFRIEND NG BESTFRIEND MO TAPOS TINANONG KA NYA, KFC O MCDO?
? McDo kasi may McCafe :)
11. KUNYARI MAGUGUNAW NA ANG MUNDO BUKAS, TAPOS NALAMAN MONG GUSTO KA RIN NG GUSTO MO, KANINONG DENTISTA KA MAGPAPAAYOS NG IPIN?
?kay Dra. Joy
12. OO AT HINDI LANG, ANONG PAKIRAMDAM MO NGAYON?
? Hindi
13. SA GULO NG GOBYERNO NATIN NGAYON, SA TINGIN MO MAY PAG-ASA PA BANG MABAGO ANG SIZE NG PASAS?
? Wala na.
14. NASTRANDED KA SA ELEVATOR, WALA KANG MAHINGAN NG TULONG, ANONG GAGAWIN MO PARA MAKAALIS NG BAHAY BUKAS?
? Eh di lalabas :)
15. NAALALA MO BIGLA UNG EX MO, TINGIN MO NAALALA KA RIN NG TEACHER MO NUNG GRADE 1? ? Malamang hindi na, patay na kasi siya e :(
16. HINDI NA KAYO NAGPAPANSINAN NG DATING MAHAL MO, TINGIN MO ALAM NYA ANG PAKIRAMDAM MO KAPAG MAY SUN BURN?
? Siguro.
17. DINAMPOT KA NG PULIS SA KASALANANG HINDI MO GINAWA, ANONG GAGAWIN MO PARA I-ADD KA NIYA SA FB?
? Magpapa-cute lalo na kung pogi yung pulis
18. NAGKASABAY OUTING NG BARKADA AT PAMILYA MO, ANO UUNAHIN MO ISUOT T-SHIRT O PANTALON?
? Pantalon
19. NASIRA MO TIWALA NG KAIBIGAN MO, PAANO MO MAIBABALIK ANG DATING SIGLA NG KALIKASAN?
? Magiging disiplinado ako
20. PAG ANG BAKA SINABAWAN MO AT CHICKEN CUBES NILAGAY MO, ANO ANG MANGINGIBABAW, KASAMAAN O KABUTIHAN?
? Kabutihan!
Sa totoo lang wala talagang kuwenta ang post na ito, eh bakit ba? Account ko 'to :)) Sagutin mo rin, trip trip lang yan :)
Dear Ekay,
Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko uumpisahan sabihin ang lahat ng ito sa iyo. Hindi ako magaling magpaliwanag, at hindi rin ako magaling magsulat, pero ang isa pang hindi ako magaling, eh yung makita kang nasasaktan. Pasensiya ka na kung sumulat na lang ako sa iyo. Gusto ko man sabihin lahat ng personal sa iyo ito, gusto ko man makita ka, alam kong ayaw mo na akong makita.
Alam ko nasaktan kita ng sobra. Hindi ko alam kung anu pang salita ang maari kong sabihin para lang ipaalam sa iyo na alam kong nagkamali ako. Hinihingi ko na sana mapatawad mo ako.
Hindi natin ginusto ang mga nangyari, nagkamali ako pero alam kong kasalanan ko. Akala ko kasi ‘yun lang ang isang tamang bagay na pwede kong gawin e. Ginusto ko lang magpakatotoo sa sarili ko at sa iyo kahit pa nga nakasakit ako sa proseso. Sinubukan ko, alam ng Diyos kung paano ko sinubukang ayusin ang lahat sa ating dalawa, sinubukan kong ibalik lahat, at pantayan ang lahat ng kaya mong ibigay at patuloy na ibinibigay, pero bigo ako at patuloy na mabibigo dahil napakabuti mo. Hanggang doon na lang talaga yung kaya ko eh, mahina ako, marupok, at hindi ko kayang tularan lahat ng ginagawa mong kabutihan, kahit pa gaano ko sikapin ‘yun. Ayokong maging isang tao na hindi naman talagang ako.
Minahal kita, alam mo ‘yan, at alam ko rin kung gaano mo ako pinahalagahan at inalagaan sa panahong tayo ay magkasama. Hindi naman tayo aabot sa ganito kung hindi natin pareho naramdaman na parte tayo ng isa’t-isa, pero siguro hindi lang talaga sapat yun para manatili pa tayong magkasama. Sa bandang huli, masasaktan lang natin ang isa’t-isa dahil magkaiba tayo at alam natin na maraming bagay ang hindi natin kayang harapin ng magkasama. Huwag na nating hintayin pa ‘yun dahil ayokong masaktan kita ng paulit-ulit, ayoko ring baguhin ka.
Sana maintindihan mo ako.Sorry Ekay!
Ikaw ba’y nagpapapansinO sa akin ay nagpapasaringKung ganun nga ay bakitHindi pa ba sapat ang sakit?Ikaw ba’y nang-iinsultoInaaasar mo ba talaga akoKung ganun ay bakitAng paraan mo ay napakapangitIkaw ba’y nagpaparamdamdi kaya’y patuloy na umaasamNg aking pansin sa ngayonNagkakamali ka kung gayonIkaw ba ngayon ay nagdurusaWala ka na ba talagang pag-asaSa larong iyong sinimulan,Sayang ikaw ang umuwing luhaan.
Paano nga ba lumayo mula sa taong minamahal mo at ipagpatuloy na lamang ang buhay bilang magkaibigan? Pwede bang baguhin ang landas na minsang tinahak ninyo ng magkasama? Pwede nga bang baguhin at simulang muli? Paano ang mga alala na meron kayo? Paano ang mga pangarap na nabuo habang kayo ay magkasama?
Ilan lang yan sa mga tanong ko noon habang pinagdadaanan ko ang sa palagay ko’y madilim na yugto ng buhay-pag-ibig ko. Siguro iisipin ng iba, napakadaling sagutin niyan. Eh di mag “let-go”. Ang tanong, paano nga ba umpisahan mag-let-go? Madali ba talagang gawin yun?
Ang hirap na palayain siya pero alam ko sa sarili ko na kailangan. Pero kahit pa nga alam ko, hirap akong subukan, hirap akong simulan. Matagal na panahon na kami ay nagmahalan, may mangilan-ngilan na ring beses sa mga panahon na ‘yun na lumisan siya at para bang susuko na, pero sinasabi ng puso ko na huwag akong bumitiw, eh ang puso kong masunurin, ayun! Kaya nga hindi bumibitaw ang puso hanggang kaya pa, hanggang sa tingin ko may pag-asa pa, kahit pa nga ang sakit-sakit na, kahit pa sinsasabi ng isip ko na kailangan ko nang gawin ito para sa akin --- para sa amin.
Marami na kaming pinagdaanan at pinagsamahan. Sabay na tumawa, natuwa sa mga munting achievements ng isat-isa, lumuha sa problema, nangarap para sa aming sarili, at para sa aming dalawa. Pero lahat ng iyon, wala na at hindi ko na nga maibabalik pa. Nakalipas na nga ang lahat. Kailangan naming maghiwalay, lumayo sa isa’t-isa, at hayaan ang mga sarili naming gamutin ang sugat na dulot ng mga pangyayari sa buhay namin. Sa puntong yun, kinailangang tulungan ang sarili naming lumimot, bumangon sa pagkagupo, at maging malakas na muli para lumaban sa hamon ng buhay. At kailangan gawin naming ito ng mag-isa, yung hindi umaasa sa isa’t-isa. Noon ko sinabi na hindi ko magagawa iyon kung hindi ako magiging matatag, at hindi ako magiging matatag kung patuloy akong aasa na nandiyan sa para sa akin para isalba ako sa lahat ng panahong madadapa ako. Kailangan ko ring matutong tumayo sa sarili kong paa habang hininitay ko ang panahon na ganun din siya – yung panahon na kaya niya na akong panindigan at ipaglaban.
Alam ko na isang araw magiging masaya rin ako, magiging masaya din siya --- gawin man namin ito ng mag-isa, magkasama, o baka nga sa piling ng iba. Makakatagpo rin siya ang kapareha niya, karamay, at yung isang tao na magpapaligaya sa kanya ng tunay, yung magbibigay sa kanya ng pagmamahal na talagang kailangan niya at nararapat para kanya. Aaminin ko, noon nangangarap pa rin ako na sana isang araw, ako yun. Kahit sandali, kahit konti lang, kahit pansamantala….pero sa isipan ko na lamang yun. Ang dalangin ko na lang ay sana maging maayos ang buhay niya, sana mahanap niya ang inilaan ng Diyos para sa kanya. Sana matagpuan rin siya ng taong iyon.
...at bukas makalawa, maiisip niya rin na ito ang mas tama, ito ang mas makakabuti, ito ang mas nararapat - ang magpalaya!