Saturday, July 6, 2013

Papampam

bakit ba hindi ako nagsasawa
sa aking pangangamusta?
gayong paulit-ulit mo naman
akong tinatabla?

tanggap ko naman ang lahat
at ngayon, ako ma'y malaya na
pero bakit di mapigil ang sarili
at inaalala ka palagi?

sana natuturuan ang alaala
na huwag kang alalahanin
sana natuturuan ang isip
na huwag kang isipin.

pero ano ang magagawa?
heto ako't naghihimutok,
alam namang walang mapapala
pero heto't nakatunganga...

nag-iisip ng paraan
kung paano kitang kakausapin
nag-iisip ng daan
kung sa'n ka hahagilapin.

hindi ako natatahimik.
pero mabuti na rin siguro'ng ganito
ang tanong ko lang ay bakit?
ngayon ako'y tuliro.


Ikaw ba’y nagpapapansin
O sa akin ay nagpapasaring
Kung ganun nga ay bakit
Hindi pa ba sapat ang sakit?
 
Ikaw ba’y nang-iinsulto
Inaaasar mo ba talaga ako
Kung ganun ay bakit
Ang paraan mo ay napakapangit
 
Ikaw ba’y nagpaparamdam
di kaya’y  patuloy na umaasam
Ng aking pansin sa ngayon
Nagkakamali ka kung gayon
 
Ikaw ba  ngayon ay nagdurusa
Wala ka na ba talagang pag-asa
Sa larong iyong sinimulan,
Sayang ikaw ang umuwing luhaan.


________________________________
After receiving blank messages for consecutive days, i thought that someone was trying to catch my attention, but I refused to entertain that fact until after an ex-boyfriend's blank messages popped up in my messenger box.  A few days more and I saw him online again. Even if I noticed it, i didn't let him know. Hence, these poems. "papampam" = papansin!!!

The first poem is not mine. It's by a friend who said that maybe that person was trying to say those things to me.

No comments:

Post a Comment