ok lang naman ako kung wala ka,
kunware na lang hindi tayo nagkita.
ok lang naman ako kung wala ka,
kunware na lang di tayo nagkakilala.
ok lang naman na hindi mo sabihin,
anu ba naman yun malalaman ko din.
ok lang naman na wag mo nang pansinin,
anu bang mangyayari, di ba ganun din?
ok lang naman na tumigil ka na,
kesa naman patuloy pa akong aasa.
ok lang naman na wag mo na rin umpisahan,
kung balak mo rin naman agad wakasan.
ok lang naman na wala ka nang panahon,
mabuti na ang malaman yun agad ngayon.
ok lang naman na wala ka na,
...sayang lang, kasi mahal na kita!
Wednesday, December 14, 2011
Saturday, September 17, 2011
mag-isa!
...wag mong iwan ang isang taong nagsasanay palang mag-isa, dahil pag nasanay na siya at kaya niya na, dun mo malalaman na hindi mo na pala siya kayang iwan dahil natatakot ka na ring mag-isa :(
Thursday, September 15, 2011
..diyan ka lang
Hindi na ganun ka-grabe ang kaba na naramdaman ko nung muli kitang makita, siguro nga nawawala na ang matindi kong paghanga sa iyo. Mas naging "confident" na kasi ako sa pagharap, pagngiti, at pagbati sa iyo, pati naman ako nagtataka sa reaksyon ko, pero sabagay mas okey na talaga ito.
Ganunpaman, hndi pa rin nagbabago na sa tuwinang mangyayari ito, sumasaya ako. Nabubuo ang araw ko, nalilimot ko sandali ang mga pinoproblema ko. Siguro iyan talaga ang "role" mo sa buhay ko -- ang pagaanin dahil medyo mahirap ito ngayon.
Hindi ka man talaga magiging akin, isa lang ang aking ipinapanalangin, yun ay ang hindi ka mawala, yun ay ang pag-asa na sana hindi ka umalis... Kaya, Lando, wag kang aalis, diyan ka lang!
Tuesday, September 13, 2011
Dream Big
I got this little poster from papemelroti a few years back marked as "Today's Advice", I was so hooked on it that I kept buying as soon as there is a newer and more colorful version. This year, mine is an updated one, with new fonts, new styles, and of course in my favorite color - purple. Although it practically has the same contents, I am still excited to hang this new poster just beside my study table. I thought that maybe one advice a day could help me get inspired, and not to quit no matter how hard these things that I am doing gets.
It has been two weeks now and for the almost 10 times I've been pointing my fingers (with both eyes covered of course) to those little squares containing inspiring messages, I kept on pointing at one particular advice which says "DREAM BIG"!
I don't know what it means really or if ever I have an idea, I don't know how I will be able to translate that to the things that I do now.
Ever since I was a kid, I am not much of a dreamer. I was aware that I am just an average girl, not so popular, not pretty, not so wise and smart, not a genius, but I know that I can live by.
I knew that I will stand on my own soon enough, I will live a normal and happy life when I get older, in fact, I never dreamt of becoming rich or famous someday. Not even becoming a doctor, a business tycoon, an engineer, what more of a lawyer?
I just remembered once I thought of becoming a Chemical Engineer or a Scientist for that matter, but that dream fell apart when I was barely getting a passing grade in my Chemistry subject in third year high school. Since then, I didn't want to dream at all. I kept on saying I was not futuristic and if ever someone asks me what do I want to become, I don't have a ready answer. I could always sing the "que sera sera song" whatever will be will be. For so many years that was my life --- even my career theme song when I started working.
I tried going to Accountancy in College (even though Math sounds alien to me). I don't know, maybe I just thought that after that, I will be able to work in a bank or a business, and in fact, CPA sounds so noble to me. Certified Public Accountant, wow!
But I was terribly devastated when I was excelling in almost all my subjects except the Fundamentals of Accountancy where I got a failing mark. It once again felt that the world fell down on me. Is this another dream I am bound to not fulfill?
I had to transfer to another university and take another degree which I didn't like but had no choice but take. I don't know where I was going and I don't know if I am gonna get there either so I just let everything happened.
Fate has a way of saying that not everything that we don't like is really bad for us. Who says that you can't excel in something that you can't take or you don't like? I was lucky to get that "cum laude" distinction when I graduated.
...and now, it's time that I think of the future, of what will happen, and of what I really like. Life had been full of challenges, but I know that everything happens for a reason. We might not understand it now, but it's meant to teach us a lesson...soon, when we are much ready to open our eyes wider to see those reasons.
I am now reviewing for the bar, and although it is literally giving me headaches to try to understand the idiosyncracies of the law, I will not stop. Just like what a friend told me, "Do not stop when you are tired, stop when you are done"!
To try to recall, understand, and apply in a few months time what I have studied for almost 7 years is no joke. It meant sleepless nights, terrible headache, and so much difficulties I had to bear. But I will not stop now just because I am tired, I will stop when I am done. It's time to DREAM BIG now! And I am dreaming and praying to God for Him to give me that 4-letter and a period that I could write before my name :)
Dream big!

Thursday, August 25, 2011
tanga-hanga
Salamat sa isang kaibigan dahil niyaya niya ako pumunta sa lugar na iyon. Nagdadalawang-isip pa nga ako eh kasi naman may mga importanteng bagay din akong dapat isagawa sa araw na ito pero nanaig ang kagustuhan kong bigyan ng konting pabuya ang sarili ko sa pagsisikap ko nang may ilang araw... sumama ako!
Naisip ko na talaga ang posibilidad, pero mabilis ko ring binawi sa isipan ko dahil alam ko naman na hindi yun ang pakay namin, isa pa, may kalabuan talaga dahil malawak, magulo, maingay, at wala talagang pagkakataon ang pagtatagpong inaasam ko para sa ating dalawa.
Pero siguro nga may mga munting panalangin na hindi naman mahirap ipagkaloob. May mga munting kahilingan din na madaling tuparin. Gaya ng dati, hindi ko na naman inaasahan na makikita kita muli. Minsan ko na kasing nilisan ang lugar kung saan kita natagpuan -- maging ang pag-asa na maari pa tayong, magkalapit ay iniwan ko na rin may ilang buwan na ang nakakalipas. Pero sadyang hindi pa rin maipaliwanag sa tuwing magkikita tayo ay kakaiba pa rin ang nararamdaman ko...
Pagkababa ko pa lang ng sasakyan kung saan ako lulan ay nasilayan ko na ang mukha mo, ang matikas mong katawan, at ang iyong matamis na ngiti. Marahil, nakita mo rin ang biglang pagbabago ng aking mukha mula sa maputla-putla epekto ng puyat nung nakaraang gabi, hanggang sa kumulay rosas ang aking mga pisngi. Damang-dama ko ang init ng aking mukha dahil sa pagkabigla. Wala na naman akong nasabi, tila naging pipi na naman ako at walang lumabas na kahit isang salita sa aking bibig kahit pa nga marami akong nais na sabihin sa iyo. Kaya't kumaway na lang ako para ipaalam sa iyo na napansin kita. Ginantihan mo naman iyon sa pamamagitan ng paghawak sa aking mga kamay. Kung tutuusin wala naman iyong halaga para sa iyo, marahil ito ay isang ordinaryong gawain na lamang - sigurado ako dun. Pero para sa isang tao kagaya ko na minsan lang bumalik at mapansin mo, ay sobrang halaga na ng tagpong iyon. Halata naman di ba? kinailangan ko pa itong isulat sa ganitong paraan.
At yun na nga! Inisip ko na nga na ano kayang pakiramdam kapag maari na tayong maghawak ng ating mga kamay -- na may ibig sabihin, nang may pag-aangkin --- dahil akin ka na?
Pero siyempre, naisip ko lang yun, at kahit may pangungulit na kahalo ang paghawak mo, hindi mo ako sinabihang mabilog sa pagkakataong ito (kasi naman madalas mo akong sabihan nun, sa tuwi-tuwina na lang...hindi ko tuloy alam kung totoo ba o talagang biro lang). Subukan mo lang akong tuksuhin muli ng mabilog, at tiyak na itutugon ko sa iyo na bumibilog na pati ang mundo ko --- sa iyo!
Sa huli, hanggang dito lang naman talaga ako eh. Isang kakilala, kaibigan, taga-hanga.
'Wag lang sana talagang dumating ang panahon na mahalin na kita ng sobra, dahil ayokong manatiling tagahanga, TANGAhanga :(

Sunday, July 31, 2011
bagyo!
para kang isang bagyo,
grabe nasasalanta na ako sa'yo,
daig pa ng hagupit ng hangin
ang lakas ng dating mo sa akin.
para kang isang bagyo,
talaga namang kakaiba ito
sa tuwing dadating ka dito
parang may delubyo sa puso ko.
para kang isang bagyo,
daig mo pa si Ondoy at Milenyo
idagdag mo pa si Juaning at Kabayan
sa puso ko'y umaaraw umuulan
para kang isang bagyo
may habagat sa puso ko,
sana "Batanes" na lang ako.
yan nga ang aking hinihiling
para madadaanan mo ako
sa tuwinang ikaw ay darating.
grabe nasasalanta na ako sa'yo,
daig pa ng hagupit ng hangin
ang lakas ng dating mo sa akin.
para kang isang bagyo,
talaga namang kakaiba ito
sa tuwing dadating ka dito
parang may delubyo sa puso ko.
para kang isang bagyo,
daig mo pa si Ondoy at Milenyo
idagdag mo pa si Juaning at Kabayan
sa puso ko'y umaaraw umuulan
para kang isang bagyo
may habagat sa puso ko,
sana "Batanes" na lang ako.
yan nga ang aking hinihiling
para madadaanan mo ako
sa tuwinang ikaw ay darating.
Thursday, June 30, 2011
one more chance?
...kung pwede lang akong sumigaw nang "ako na lang, ako na lang sana ulit"
siguro nga, siguro nga isang beses lang, hindi na pwedeng ulitin.
Ang One More Chance, hindi applicable sa lahat ng tao :(
siguro nga, siguro nga isang beses lang, hindi na pwedeng ulitin.
Ang One More Chance, hindi applicable sa lahat ng tao :(
Wednesday, May 18, 2011
Last na'to, Lando!
Huling araw ko na nang pagpunta sa lugar na iyon. Tama naman ako! Muli kitang makikita. Tumingin ka sa akin habang dumadaan ako, alam ko iyon dahil tumingin din ako sa iyo. Gusto ko sanang lumapit at batiin ka, tuloy na rin eh magpaalam sa'yo. Gusto kong magkaroon ng pagkakataon para sabihin sa'yo lahat lahat, hindi sa kung anupaman, alam ko naman kasing hindi na pwede --- pareho tayo---- ikaw, dahil may babae nang bumihag sa iyong puso, at ako, dahil aalis na ako at haharap sa isang malaking hamon at pagsubok na kailangan kong pagdaanan ng mag-isa, kundi para lang sana malaman mo at mawala na sa isip at puso ko ang pabigat na ito na dulot ng matagal-tagal ko na ring paghanga sa iyo.
Sayang dahil may kasama ka noon habang ako naman ay may mga kausap din. Sayang dahil ito na ang huling pagkakataon...
Ganunpaman, Lando, hindi pa tapos ang ating kuwento.
Sayang dahil may kasama ka noon habang ako naman ay may mga kausap din. Sayang dahil ito na ang huling pagkakataon...
Ganunpaman, Lando, hindi pa tapos ang ating kuwento.
Tuesday, April 26, 2011
Sawa
Ngayon, hindi ko na alam kung ilang taon o buwan ang lumipas mula nung mawala siya… Siguro dahil tumigil na rin naman kasi akong magbilang. Nagsawa na rin naman akong umasa…Ngayon ko napatunayan na may magandang dulot ang pagsasawa… dahil kapag nagsawa ka na, kusa nang mawawala ang sakit na dinadala mo sa iyong dibdib, kusa itong lilisan, at hindi ma magkakaroon pa ng puwang para ikaw ay balikan. Kusa mong mararamdaman ang paghilom ng mga sugat, ang paglisan ng sakit, at ang pait..unti unti nang mapapalitan ng tamis.
May mga bagay talaga na dapat mong maranasan para ka matuto, may mga bagay talaga na dapat mong pagdaanan bago mo maintindihan ang kahulugan. Ano pa nga ba ang klasikong halimbawa kundi pag-big? Tama, pag-ibig ang nagbibigay ng saya at tuwa sa puso, pero ito rin ang siyang nagdudulot ng sugat at pait sa puso. Ngunit gaano pa man kasakit ang pinagdaanan mo at pagdaaanan pa, ang importante, natuto ka…ang mahalaga naramdaman mo kung paano minsan sa buhay mo ang lumigaya dahil nagmahal ka.Hindi naman dapat magsarado ang puso ng mga taong umibig at pagkatapos ay nabigo. Hinding hindi rin naman dapat na magtago kung may nararamdaman ka mang panibago kagaya ng muling pagtibok ng puso, o di kaya naman ay pagpapatawad o paglimot. At lalong higit, hindi dapat na mabuhay sa nakaraan kahit pa nga ito ang dahilan kung bakit ka nalugmok at nasaktan. Dahil ang nakaraan ay mananatiling nakaraan na lamang na dapat mo ring pagsawaan. Dahil ang pagsasawa…may mabuti ring dulot. Dahil ng pagsasawa… ito ang magsasabi sayo kung kalian tama na. Dahil nga kasi sawa ka na, kaya wala nang dahilan pa para balikan ang isipin ang mga bagay na kagaya ng pag-asa at paghihintay sa wala. Dahil ang pagsasawa, kung nagagawa mo ng tama… ito ang pinakamagandang aral na maaring matutunan sa pag-ibig.
At dahil marami na akong nasabi, siguro dapat alam niyo na ang ibig kong sabihin. Dahil kung patuloy akong magpapaliwanag, eh baka naman kayo ang magsawa. Kaya yun lang, nakakasawa na rin kasi eh.

Isang Taon
Isang taon matapos ang paglisan
Hindi mo pa ba nakakalimutan
Bakit ba kailangan pa ng kumusta,
Anu nga bang kailangan pa?
Isang taon matapos masaktan
Ang sagot mo ay naririyan
Bakit ba sagot ay kailangan pa,
Gayong hindi ako nagtatanong na?
Isang taon matapos ang unos
Kung kelan nakalimutan na ng lubos
Bakit ba nagbabalik pa
Anu pa bang kailangan pa?
Isang taon pagkatapos ng lahat
Wala na ngang pakialam dapat
Bakit nagtatanong pa sa kaibigan,
Anu pa nga ba ang dahilan?
Isang taon pagkatapos ng sakit
Wala na nga ba ang pait
Bakit puso’y nakakaramdam pa,
Siguro nga, andito ka pa
Nakaukit pa at hindi na mabubura
Kahit pa nga isang taon na,
Maalala’t-maaalala ka…
____________________________________________________________________
Isang taon matapos ang paghihiwalay ng landas, ito ang naisulat

I thank God for Fathers....
Palaging sinasabi na Mother knows best, wala naman akong kuwestiyon dun, aware din naman ako dun at naniniwala ako, in fact, naranasan ko naman yan. Hindi matatawaran ang kalinga ng isang ina.
Pero sa panahong wala na ang ina, kagaya ng kaso ko, ngayon ko lang lubusang na-appreciate na sobrang importante ang tatay sa buhay ko.
Hindi kami ganun ka-close at ka-showy sa aming mga nararamdaman ng aking tatay, pero ngayon masasabi ko na sobra kong naramdaman ang pagmamahal, pag-aaruga, pagkalinga, pag-intindi, at paggabay niya. Sa mga panahong kailangan ng masusing pagsusuri, pagninilay, at paninimbang ng desisyon, nariyan siya. At hindi ko matatawaran iyon.
Ngayon, nandito ako sa sitwasyong kailangan kong magdesisyon muli, isang importanteng desisyon na lubhang makaka-apekto sa buhay ko... kinailangan ko siya...at hindi niya ako binigo.
Talaga nga namang ang wisdom ng ama ay ganun na lamang. Ngayon, alam kong anuman ang desisyon na gawin ko, anumang option ang piliin ko, alam kong makakabuti ito, alam kong ito ang tama, kung hindi man, ay yung pinakamalapit sa tama.
Tay, salamat sa suporta.
Sadyang masasabi ko na "I thank God for fathers.... I am now enlightened".

Thursday, April 21, 2011
Wednesday, April 20, 2011
"Missing Echo"
Because I am about to transfer to another office (well, physically) right after the holy week, I though of cleaning my inbox, and my PC files. While I was browsing the files I saved some four years ago, I happened to open a file containing an exchange of conversation over yahoo messenger with a friend named Echo. Here it is:
Echo: I miss you!
Me : Wow.... i thought you'd never say that....I also miss your many jokes, your stories...just you....
Echo: hoo....really now?! It's because we both are too busy. Good thing you don't miss the "problematic" Eco. :)
Me : Hmm. i do miss that one too. Problems are part of his stories anyway.
Echo: Seriously, I miss you. I miss your importance to me. I miss how I value you. I miss the way i defend you, i miss seeing in you what he can't see in you.
Me: Don't you see it anymore?
Echo: Of course, I still do.
Me: Aren't you happy that your "puppet friend" here is doing ok?
Echo: I just miss the role....my role
Echo: I having the feeling of owning you........
Echo: Of course I'm happy for you. I always wish for your happiness.I hope you don't fight anymore. He's too lucky to have you.
Me: But i told you...i can't be owned.... i can only be gained...
Echo: ok ok, here you go again. I give up... I lose. (smiles)
Me: thanks so much... i miss having you too... promise...
Me: having you...as my "sumbungan, friend" is that ok?
Echo: It's hard to get close to you......guys coulld easily fall inlove with you. But am ok with what we are now. Anything goes, I am thankful to have you. You are there for me anytime. I know you and you know me...in more ways than we know. And I am thankful with the role that I play in your life.
Me: thank you for understanding me. thank you for being there for me.
Echo: Please always take care.
It gives me a nice feeling that somehow, one of the many people who helped me moved on from a dark past brought about by previous relationship, was friends like Echo. He never left me although physically we are unable to get together even if we wanted to. Right now, Eco is living a happy life with his wife and kids. We still talk sometime, not as oftern as before, but I will always know that he is there for me...just like I am for him. I will always be thankful to you Echo, you are always missed. See you soon!

Tuesday, April 19, 2011
Saturday, April 16, 2011
wala ka
lumuluha pa rin ang mga mata
sa tuwing kita'y maaalala
kahit na sinabing tanggap na
sadyang kay hirap nang wala ka
walang masabihan ng lungkot at saya
walang matakbuhan kapag may problema
kahit na nga sinabing tanggap na
mahirap mabuhay nang wala ka
sa bawat gabi, ako'y nalulungkot
sa buhay ko'y may bahid pa ng takot
paano ba ang mag-isa?
sadyang kay hirap ng wala ka
hindi ko malaman kung pa'no mag-umpisa
saan ako matatapos, sa'n ako pupunta?
ikaw na gabay ko sa tuwi-tuwina
sadyang kay hirap ng buhay pag wala ka.
_______________________________________
mahapdi at maluha-luhang mga mata bunga ng puyat at pag-iyak, naisulat ito habang nasa isang pagpupulong... hindi ko rin naman maaninag ang mga nakasulat sa "visual aids", at hindi ko rin naman maintindihan ang mga inire-report :)

Monday, April 11, 2011
Para Sa Iyo
kakaibang damdamin, medyo may halong lungkot din,
sabay na rin ang yabang at pagpapakumbaba ko
....ang lahat ng ito'y para sa iyo.
nakasasabik ang araw na ito
talaga namang tagal nang 'pinaghintay ko
marami akong dinaanang pagsubok
at alam kong marami pang darating
ngunit payo mo saki'y wag maging marupok
sa pagtitiyaga, tagumpay ay mararating
sa araw na ito, magtatapos ako
sa buhay ay haharapin isang panibagong yugto
wala ka man para saksihan ito ngayon
...para sa iyo ang lahat ng iyon.
_______________________________________________
My mom never failed to attend all my graduation day since grade school. I offer this to her, I deeply miss her :(
Monday, April 4, 2011
miss kitaAa :(
Nakakalungkot…nakakamiss.
Sabi ko na nga ba hindi dapat masanay
Sabi ko na nga ba hindi dapat maghintay
Nakakapagtaka….nakakairita.
Hindi naman dapat ganyan di baAnu bang dahilan, anu ba talaga?
Nakakalito….nakakasakit ng ulo
Isip ka ng isip… kung mali o tama ba ito
Sabi ko na nga ba di dapat inumpisahan
Sabi ko na nga ba….dapat pinag-isipan.
Nakakalungkot…nakakamiss,
Hindi naman dapat….pero nakakainis.
Hindi naman dapat....pero talagang nakakamiss.
Lando
Ilang taon kaya aabutin ito? Kailan magwawakas ang kuwento ni Lando? Tunghayan ang liham na naglalaman ng mga lihim. Sundan ang kabanata ng pag-ibig at paghanga. Wakasan ang istoryang hindi matapus-tapos, bigyan ng kulay ang bawat nitong pag-agos. Samahan si Lila sa kanyang mga dusa at saya.
________________________________________________________________________
Oktubre 2008
Oktubre 2008
Masaya na rin ako kahit sa konting sandali na nakita kita.
Na-miss din kita... may katagalan din bago tayo nagkita ulit.
Oo masaya na rin ako dahil kinailangan mo ang tulong ko kahit papano.
Hay, hindi ko maintindihan kung bakit ang pinakamaliit at pinakawalang kwentang bagay o kilos ay maaring maging kasing halaga ng mundo para sa akin kapag ikaw ang may gawa.
Minsan iniisip ko tama nga ba na magustuhan kita o humanga ako sayo? Masyadong malaki ang agwat natin maging sa edad at estado sa buhay. Pero natutuwa ako kapag itinuturing mong balewala ang lahat ng ito. Masaya ako tuwing lumalapit ka na para bang isang kaibigan ang turing mo sa akin. Ewan ko ba, malapit ka na namang matapos sa ginagawa mo, sana nga maging matagumpay ang lahat. Nandito lang naman ako palagi para sa iyo. Sumusuporta ako kahit hindi mo alam. Nakikinig kahit na nasasaktan…
Natutuwa ako sa lahat ng bagay na nagagawa mo, sa mga pangarap na natutupad mo. Pumapalakpak ako sa bawat kompetisyon na pinagtatagumpayan mo. Pinapanuod ko ang lahat ng ito gamit ang aking puso.
Masaya ako dahil sa araw na ito, pinili mong ako ang makasama, ako ang makita ng iyong mga mata... Ayokong isipin na wala ka lang ibang mapuntahan kaya mo ginawa iyon. Ganunpaman, naisip mo ako, nakita mo ako, napansin mo ako. Sino pa bang mas higit na sasaya kaysa sa akin?
Sa ngayon hindi ko alam kung mahal kita at hindi naman masasabi yun ng ganun ganun na lang... Ang alam ko lang masaya ako sa bawat pagsilay ko sa iyong mukha. Masaya ako sa bawat ngiti na nanggagaling sa iyong mga labi. Maligaya akong nakikita ka na unti-unting natutupad at inaabot ang iyong mga pangarap.
Umaasa ako na sa huli, magkikita tayong muli. Babalik ka sa akin para magbigay ng ngiti at pag-asa. Masaya ako…masaya ako dahil sa iyo.
_________________________________________________________________________
Marso 2009
Tama nga ako…. Muli mo na naman akong napasaya… Hndi ko kasi alam talaga kung anung meron ka eh, basta ang alam ko lang kapag nakikita kita, naiiba ang mood ko. Naiiba na lahat ang pagtingin ko sa mundo. Para bang may bagong pag-asa palagi? Hindi ko nga alam kung mabuti ba o masama na ganito ang nararamdaman ko eh. Pero isa lang ang alam ko malaki talaga ang epekto mo sa akin. Haaay..para kang droga, daig mo pa nga ata eh kasi konting dosage mo lang, solb na solb na ako!
Ngayon naman nakita ko ang mga moves mo. Nakow…nabighani na naman ako sa kakaibang ag galaw at mga kilos mo. Marunong ka rin pala sa bagay na iyon. Ang galling hindi ko inaasahan pero napabilib mo na naman ako. Hindi mo alam ito noh?
Hindi mo na rin siguro dapat malaman pa, baka naman kasi ma-feel mo pa eh. Mabuti na yung humahanga ako ng hindi mo batid, mabuti na rin na isang lihim na lang ang pagtingin kong ito, kung meron man, o kung gayun man nga. Mabuti na rin ang hindi ako umasa dahil ayoko rin namang masaktan. Ayoko rin namang isipin na may pag-asa tayong dalawa. Kagaya nga ng sinabi ko, malayo talaga ang agwat natin. Kakaiba, hindi masusukat, at parang imposible talagang isipin na maaaring maging tayong dalawa sa bandang huli. Hindi ko na rin ito iniisip, hindi ko na rin dapat pang alalahanin. Basta’t masaya ako…sapat na ang lahat nang ito.
Sa tinagal-tagal hindi ko na nga inaasahan pa na matandaan mo ako o makilala pa sakaling magkita. Aba , marami na rin naming nagbago, baka nga lumaki na ang katawan mo, kuminis ang muka, medyo tumanda, pero siguro makisig at gwapo pa rin (at least sa paningin ko ha?), at siyempre, hindi lang ikaw. Ako rin naman sa palagay ko lang, may mga ipinagbago. Nagpapapayat na nga pala ako ngayon. Ikaw kasi atleta ka so malamang hindi mo na kailangan, pero ako? Hmmm…wala lang, maiba lang naman, at may bago lang sana na gawin sa buhay. Alam mo kasi, sobrang na-bored ako. Mula nung hindi na kita nakikita, pati yung mga nakakasama mo, pakiramdam ko nabawasan talaga ang tuwa sa mundo ko. Hindi na kasi ako madalas tumawa sa mga simpleng joke eh, kiligin sa mga simpleng gestures, at humalakhak sa tuwing sasadyain mo talagang magpatawa.
Sabagay, ang tagal na nga naman talaga. Lampas isang taon din yun ah?
Oo, naririnig rinig ko minsan ang pangalan mo, pero, hindi ko na rin mashado pinag ukulan ng pansin, eh kasi nga naman….wala naman nang mangyayari, wala namang magbabago. Iba talaga tayo ng mundo. Yun pa lang, tapos ang kwento.
Hindi ko lang talaga inaasahan na isang araw, habang naglalakad akong mag-isa sa supermarket, galing pala ako sa gym nun, eh bigla mo na lang akong ginulat. Syempre ginulat nga, so natural gulat na gulat ako! Badtrip wala man lang akong nasabing salita kundi “OMG !” Hindi ko man lang natanong kung may kasama ka o san ka na ba ngayon! Siguro pagkatapos ko sabihin ang “OMG !”, ang plain plain lang talaga ng muka ko. Hindi ko na rin kasi napagtuunan ng pansin ang reaksyon mo, basta nakita ko lang na masaya ang muka mo, nakangiti ka.
Mabilis dapat kumilos dahil malapit nang magsara yung supermarket, eh may hahanapin pa ako na kailangan kong bilihin. Ayun! Pagkalampas mo, pagtalikod ko sa’yo, bigla na naman akong kinilig, bigla akong ngumiti. Grabe talaga. Biruin mong simpleng ganun lang naman ang ginawa mo tine-treasure ko??
Masaya lang akong isipin na ikaw ang unang pumansin sa akin, ikaw ang unang nakakita. O sige na bibigyan ko na ng meaning. At least, natatandaan mo pa ako. At least kilala mo pa ako. Yun lang naman, masaya na ako!
Abril 2011
Grabe talaga. Sa panahong hindi ko naman inaasahan, nakita na naman kita. Nakakatuwang isipin na ang matagal ko nang inisip na imposible ay possible palang mangyari. Tadhana pala talaga gagawa ng paraan upang magtagpo tayong muli. Nakakatuwa, hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya. Hindi kita masyadong nabigyang pansin dahil abala ako sa mga dapat kong tapusin sa araw na ito, pero alam kong nasilayan mo na bakas sa aking mukha ang pagkamangha, pagkagulat, at ang pagkasabik na naidulot sa akin ng iyong pagdating. Kinikilig ako kahit hindi ko alam kung dapat, kung tama ba, at kung may dahilan pa, pero yun talaga ang aking nararamdaman. Yun talaga!
_______________________________________________________________________
patapos na ang Abril 2011
Nagulat ako talaga nung narinig ko ang balita, noong una pa nga ay hindi ako makapaniwala. Pero sinabi ko na lang sa aking sarili na siguro nga ay talagang posible naman. Ang sabi ko pa, aalamin ko na lang ang katotohanan sa mga susunod na araw. Marahil sa pagkaabala ko, hindi ko na rin masyadong napagtuunan ng pansin ang bagay na iyon, hanggang sa isang araw na nga lang, ang iniisip kong baka hindi naman totoo ay bakas na ang linaw. Tama nga! Nariyan ka na, malapit ka na, maari ka nang maabot. Para kang isang bituing pinapangarap lang na ngayon ay bumaba mula sa kalangitan, kaya nang mahawakan, madalas na mamamasdan.
Hay! anu ba ito? tingnan mo na nga ang epekto mo, para na akong nagiging makata dahil sa iyo.
Sa isang pagkakataon, mas malapit na tayong dalawa, mas nag-usap na.... hindi pa rin ganun katagal at ka-makabuluhan pero pwede na rin. May kilig, kaba at saya, para bang ito na ang pinakamasarap, pinakamasaya, at pinaka na-enjoy ko ang pagbili ng pagkain sa "canteen", na madalas naman ay pinagsasawaan ko na. Sa mga susunod na araw, baka magkasabay ulit tayo, baka mag-usap na ulit tayo, malay mo magkuwentuhan na tayo?
Alam kong hindi ito ang una.....hindi rin ito ang huli. See you around! :)

Sunday, April 3, 2011
Inay, 'Yun Ka!
Mula sa pagkabata, ikaw ang nagisnan
Sa bawat araw na dumaan
Ikaw ang tinatakbuhan
Kahit minsan kami'y iyong napapagalitan
Iyon ay natural, nanay ka naman,
Habang lumalaki, andun ka sa aming tabi
Lahat ng gustuhin, pilit binibili
Bawat okasyon, may bago kami
Ganyan kami kamahal, mga anak na tinatangi
Nang malayo ako sa'yo
Sa tatay at tita ako
Laging umiiyak, pag di ka pa sumusundo
Tuwing BIyernes andyan ka na, tuwang tuwa ako
Pag Lunes wala ka na, nalulungkot na ako
Nang nagdadalaga, ikaw pa rin
Lagi sa aking piling
Di mo ako iniwanan, lagi pang inaalagaan
Gumagabay, nagtatanggol, nagmamahal
Iyan ka Inay, walang kasing rangal.
Dumating din sa puntong tayo'y nagtatalo
Lalo na nang sabihing mag-aasawa na ako
Ngunit anupamang dinadaanan ko
'Yun ka pa rin Inay, ang naging sandalan ko.
Ikaw na siyang lagi unang umuunawa
Mga problema at hinaing sa'yo'y inihihinga
Hindi nahihiya sapagkat mabait ka
'Yun ka, nandoon lagi, handang magparaya.
Ngayon Inay, ikaw ay wala na
Hindi pa rin lubos tanggap at
Lagi pa ring nadarama, ika'y parang nandyan pa...
Pati aking mga supling, alaala ka.
Sana Inay, ikaw ay masaya.
________________
a poem written by my sister for our beloved departed mother

Wednesday, March 30, 2011
Hindi dapat minamadali ang pagiging okey
Naguguluhan ako ngayon hindi dahil nasasaktan ako o dahil meron akong sinasaktan...
Naguguluhan ako dahil sa palagay ko nagmamahal ako.
Tama... pakiramdam ko handa na nga ako, gusto ko nang magmahal muli...at sa sobrang tagal ng pinaghintay ko, sana "worth it" naman ito.
Ang problema nga lang, sa paghihintay ko na maging ayos na ako, parang naging matigas na nga rin pati ang puso ko. Sa sobrang pagkagamit ko ng puso ko nung nakaraan, masyado naman yatang nasobrahan sa pamamahinga nito, kung minsan nga ayaw na gumana. Puro utak na lang tuloy ngayon, isip ng isip kung ano ba ang tama? Sino ba ang tama? At kelan ba magiging tama, korek, at malaking tsek ang umibig muli?
Yun na nga! Marami nang dumating pagkatapos kong malampasan ang isang napakalaking unos sa buhay pag-ibig ko, hindi ko naman ma-appreciate lahat dahil siguro nakalimutan ko nang paganahin ang puso ko. Minsang titibok na ito pero eto na naman at pipigilan ko dahil iniisip ko kong baka nabibigla na naman si puso, baka ayan na naman at magmamadaling maging okey kahit hindi pa naman pala talaga...
Madami nang napahamak sa pagmamadali, marami nang nasaktan, at oo inaamin ko, isa na ako dun. Malaking pagkakamali ang nagawa ko na madaliin ang puso ko, kasi minsan nakakabulag, nakakalasing, nakakawindang ang pag-ibig.
Kaya sa susunod, hindi na ako magmamadali, pwede naman kasing hinay hinay, pwede naman kasing maghintay, hindi talaga dapat minamadali ang pagiging okey, dahil kagaya ng sugat na pilit ang paggaling, kagaya ng nilalagnat na nabinat.... delikado!

Monday, March 28, 2011
Anna
Sa isang silid, naroon si Anna, ang aking matalik na kaibigan. Magdadalawang buwan na rin ang inilagi niya sa higaang iyon. Masakit na ang halos buo niyang katawan at waring sa bawat niyang pagkilos ay nakakaramdam siya ng hapdi at kirot. Nais ni Anna na matulog at magpahinga ngunit sa bawat pagpikit ng kanyang mga mata ay nagbabalik ang mga pangyayaring hindi niya kailanman inaasahang magaganap...
Isang buwan ng Agosto nang tawagan ako ni Anna, long distance iyon mula sa Amerika. Tuwang-tuwa ako dahil pagkalipas ng mahigit-kumulang tatlong taon ay magkikita na kaming muli ni Anna. Uuwi raw siya at ang kanyang buong pamilya tatlong araw matapos ang usapan naming iyon sa telepono.
Hinintay ko ang araw ng kanyang pagdating...
Naghanda akong mabuti, ninais kong muli naming balikan ang mga lugar kung saan malimit kaming magkuwentuhan, magtawanan, maging mag-iyakan noon. Sa mga lugar ding yaon nabuo ang mga mumunti naming pangarap. Napakasaya kung iisipin, ngunit may mga pangyayari na talagang magpapaguho pala ng aming mga pangarap...
Papauwi na sila noon sa kanilang bahay sa Marikina sakay sa magara at bagong biling sasakyan ng kanyang ama. Binabaybay nila ang kahabaan ng Edsa nang bigla na lamang sumalpolk ang kanilang kotse sa isang malaking trak. Nagkagulo, nabalot ng ingay ng mga taong nag-uusyoso ang paligid, nariyan na rin ang sireno ng ambulansiyang paparating, pati na ang mga pulis na noon ay nag-iimbestiga sa naganap na trahedya. Namatay noon din ang mga magulang ni Anna.
Masuwerte siyang nakaligtas, buhay siya ngunit hindi niya pa rin matanggap hanggang sa ngayon na wala na siyang magulang. Lagi pa rin siyang umiiyak at habang patuloy siyang naghihinagpis ay patuloy na nadaragdagan ang kirot ng kanyang mga sugat. Gusto niya nang sumuko! Gusto niya nang bumitaw sa kanyang natitirang sandali. Masakit sa kanya ang mga nangyari...
...ngunit wala nang sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon, danil si Anna, ang matalik kong kaibigan, ay wala na rin.
-----------------------------------------------------
In my Filipino class back in college, we were asked to write a short story. This one is my quiz equivalent to 100 points. My professor graded this one 98! :)
In my Filipino class back in college, we were asked to write a short story. This one is my quiz equivalent to 100 points. My professor graded this one 98! :)
Saturday, March 26, 2011
hiling
Para sa iyo Jay,
Ang ginawa mo sa akin ay lubhang napakasama. Dahil sa iyo, masyado na akong tumitingin sa panlabas na anyo, estado ng buhay, pananaw, pangarap, sa kung anu ang meron sa hinaharap, sa lahat lahat ng bagay na HINDI IKAW! Naging napakababaw na ng pagtingin ko sa tinatawag na relasyon dahil alam kong sa oras na pinasok ko ito, may hangganan na naman, may deadline, may expiration. Hindi na rin ako ngayon madaling maniwala - at pagkatiwalaan. Hindi na nga ako madaling mapasaya dahil hindi ko na alam kung tunay ba iyo o pagkukubli lamang sa isang bagay na makakasakit sa akin. Sa madaling salita, masyado na akong nagdududa. Hindi ko na nga rin yata alam kung paano ba ang magpasaya ng iba.
Hindi ko alam kung nasaan ka na at ano na nga ba ang estado ng buhay mo. Nagbago na kaya ang iyong itsura? Natuto ka na rin ba sa buhay. Malawak na ba ang iyong pang-unawa o may mga plano ka na ba para ayusin ang buhay mo? Wala naman akong balak na alamin ang lahat ng ito. Gusto ko lang sanang hilingin na palayain mo na ako - ang utak, ang puso, na nakagapos pa rin sa alaala mo!
- Lila
----------------------
Still haunted by her past relationship 2 years ago, the author was able to write this to her ex-boyfriend. This is an unsent letter.
Friday, March 25, 2011
desisyon!
Sobra akong naguguluhan ngayon kaya hindi ko maiwasang isulat ito. Kagaya ng nasabi ko sa description ng blog na ito, gusto kong magsulat, gusto kong magpahayag. Maaring sa lahat ng mga sinasabi ko, ang iba ay kataas taas ng kilay, ang iba naman maaraing sumang-ayon sa akin. Pero ganunpaman, hindi na iyon mahalaga, amg importante kasi akin ito...pakiramdam ko, pag-iisip ko, opinyon ko, damdamin ko!
Mahirap dahil muli akong naguguluhan. Bihira na mangyari sa akin ang pagkakataon na ito, hindi ko nga inasahan, pero eto, andito na naman. Akala ko malinaw na ang lahat, akala ko handa na akong iwan sa nakaraan ang mga kaguluhan na aking napagdaanan. Akala ko rin mas malakas na ako at mas matapang harapin ang mga bagay bagay lalu na kung patungkol naman ito sa akin. Pero bakit ganun? Nagtatalo na naman ang puso at isipan ko. Sa panahong lubos na kinakailangan ang pasensha, konsentrasyon, pag-iisip ng malalim.....pag-unawa, at pagmamahal.
Sa ngayon,, nakakaramdam ako muli ng pagkabalisa dahil hindi ko matanto ang tama at ang mali. Hindi ko maiwasang isipin ang mga ibang tao at ang mga iisipin din nila. Minsan, hindi ko na maharap ang sarili kong kaligayahan dahil hindi ako sigurado kung ikakasiya din nila ito. Naisip ko naman, bakit hindi ko gawin ang gusto ng puso ko, anu bang mawawala? Anu bang nakakahiya sa pag-gawa ng sa tingin mo ay makakapagpasaya sa iyo, tama man o mali ito?
Hay, hindi ko pa rin alam, umaayon ata pati ang pagsusulat ko sa pagkalito ng aking puso at isip. Naaapektuhan pati ang pagsulat ko. Ilang sandali na lang, kailangan ko nang magdesisyon. Ilang sandali na lang...
...makalipas ang isang buwan
Mahigit isang buwan na ang nakakalipas mula nang mawala ka ngunit ang puso ko ay balot pa rin ng lumbay. Kahit na tanggap na ng aking isipan ang iyong paglisan, para bang hindi pa talaga handa ang puso kong magpaalam. May mga ilang gabi pa rin akong lumuluha, naaalala kita, lalung-lalo na kapag ang larawan mo ay aking tinititigan. Hanggang ngayon, pinupuno ko pa rin ng pagtatakip at pagbabalatkayo ang katotohanang hindi mo na ako mababalikan.
Masakit para sa akin na wala na akong magawang paraan para makasama ka pa. Kahit minsan lang, kahit isang saglit, kahit isang ulit na lang. Wala na akong maiiyakan sa tuwing may mabigat akong pagdadaanan, wala na ring kasabay sa tuwinang may pagtatawanan, wala na rin akong mapagsasabihan at makakakuwentuhan sa bawat hinanakit, saya, dusa, o di kaya naman ay pag-ibig na aking mararanasan.
Wala ka na nga pala, talagang hanggang doon na lang :(
Wednesday, March 23, 2011
ngiti
bakit ganun?
kung kelan naman kakasabi ko lang na okey na okey ako sa kalagayan ko ngayon, eto na naman, may susulpot namang pangyayari...hay!
hindi ko masabi kung maganda ba o hindi ito, pero ang alam ko lang, nakakalito, nakakasuya, nakakainis, nakakamiss, nakakapanghinayang.....
...pero may ngiti na muli ang aking mga labi.
bakit kaya?

The Unread Letter (A Letter for 3000 Angels)
Dear Angel,
It’s not everyday that I get to thank God for all the blessings I have been receiving from Him and I realized that this is a good time.
When I met you, I know that you are that one person that God sent me in order to appreciate my life more… the life that I chose to live, a life that I simply took own control of. I chose to believe in what felt good and convenient for me, the life that I thought was God’s will. I took it out of my own understanding, I boasted about it because I simply thought that I can do it alone. I am strong and I can manage!
But when I was giving up, you were there. When I was beginning to rise up, you had your share of falls and downsides which gave me a feeling that I belong, that I am needed, that I am important no matter how unworthy I feel and saw myself then. You gave me all that.
Never a single day that I forgot about the moment when we opened up and begin to share God’s love. I can still remember the shoulder you gave me when I had to shed tears then. You were a friend…you still are. And now that I am finally getting through the pains and scars of the past, I find myself invited by the thoughts of you. If I wasn’t there, I am sorry. For a number of callings and a couple of minutes to talk and I wasn't available, forgive me. But I always think of you... just like now.
I know and I feel that there is one person who continues to pray for me ------and that is you. Now I am relieved because I found my missing self again. I am ready to take on and face the world that I left.
I’ll meet you sometime, probably share a cup of coffee and talk about things like we used to. And hey, I’ll be joining a prayer group again so I can bring back my old self. I will continuously pray for the both of us so we may find the peace that I know we both need.
God bless! I miss you my angel!
- Lain
Friday, March 18, 2011
even if I AM SINGLE!
I haven't felt more pressured in my life until now.
When I open my social networking pages, I would see people (batchmate, officemates, childhood friends) with their kids, or their special someone in their profile pictures.
Also, I would receive countless wedding, baptismal, and birthday invitations from different sets of friends, and I would wonder? When will I have them? When will I get to experience the joy of being with someone, of walking down the aisle, or having a child of my own?
Sometimes, it just makes me feel sad and I admit, it's kinda depressing also. I kept asking, what's wrong. Is it me? Is it the way I speak, the way I look? What could possibly be the reason why I am still alone? I kept searching, and in searching, I found an old friend. She is happily married and with two kids. Just like me, she also experienced the kind of waiting, the kind of feeling I have now.
She sent me this note which to me, looked like a note from God. I just felt that it was written for me:
Dear Purple,
Everyone longs to give himself / herself completely to someone, to have a deep soul relationship with another - to be loved thoroughly and exclusively. But I say to you: "Not until you are satisfied, fulfilled and content with being loved by Me alone -- with giving yourself totally and unreservedly to Me: with having an intensely personal and unique relationship with Me alone, discovering that only in Me is your satisfaction to be found - will you be capable of the perfect human relationship that I have planned for you. You will never be united with another until you are united with Me - exclusive of anyone of anything else, exclusive of any other desires or longings. I want you to stop planning, stop wishing, and allow Me to give you the most thrilling plan existing - one that you cannot imagine. I want you to have the best. Please allow Me to bring it to you. You just keep watching Me, expecting the
greatest things. Keep experiencing the satisfaction that
I am.
Keep listening and learning the things that I tell you. You just have to wait, that's all!
keep looking at Me, or you will miss what I want to show you.
- God
and then I realized....
waiting is not so hard to do after all. There are so many things that I can do while waiting like seeking God, enjoying life as it is now, and just be happy, even if I AM SINGLE!
Subscribe to:
Posts (Atom)