Hindi ako
magkukunwaring aware ako sa lahat ng isyung bumabalot sa ating napakagandang
lipunan sa ngayon. Ang sa akin lang,
talaga naman talaga naman napakarami pa rin talagang sawsawero at sawsawera. I’m sure alam niyo naman yung ibig kong
sabihin, yun bang mga tao na ride na lang ng ride sa mga isyu, o di kaya naman
eh ipinangangalandakan pa talaga ang stand niya sa mga isyung politikal na ito,
madalas gamit ang social media. Ilang
facebook friends ko na nga ba ang nakitaan ko ng status tungkol sa Napoles
issue, tungkol sa PDAF, tungkol sa pork barrel na yan? Hmmm... marami-rami na
rin pero alam ko rin na sa dinami-dami nila, mangilan-ngilan lang ang tunay na
may alam ng katotohanan.
Hep hep!
Hinay-hinay lang naman kasi. Ang mga
puso ninyo. Kailangan niyo rin pangalagaan yan at baka ma highblood kayo sa galit,
aba eh daig niyo pa ang kumain ng sandamakmak na pork na yan ‘pag nagkataon. Payo lang, pigilan niyo muna ang mga sarili
niyo na magmura, mainis, at magpuputak sa social media, manong alamin muna ang
mga bagay bagay at detalye ng mga pinagsasabi mo, para hindi ka magmukang tanga
na putak lang ng putak sa isyung ni hindi mo naman alam ang malalim na pinag-ugatan.
May mga naninisi
pa kay PNoy, kasi siya raw ang may kasalanan ng lahat ng ito. Ows talaga? Siya
lang talaga? Ang galing mo ring manisi eh noh? Eh ikaw, anung kasalanan mo?
Wala? Kapatid, isip isip din? Sino ba ang mga ibinoto mo noong nakaraang
eleksyon, at nung mga nakaraan at nakaraan pang eleksyon? Hindi ba’t matagal ng sakit ng lipunan natin
yang korapsyon na yan? Hindi ka pa ba
nasanay? Oh eh anung ginawa mo? SIguro
ngayon lang talaga nagsisipaglabasan ang mga yan kasi nga mas matapang na ang
mga whistle blowers, mas may powers na silang umihip sa silbato nila para
ilabas ang mga anumalya sa pamahalaan natin.
Pero hindi lang naman sila ang bumubuo sa lipunan, lahat tayo kasali
dito, kumbaga eh damay damay na. Kaya imbes na pumutak ka lang ng pumutak at
magmura sa lintek na nawawalang parte ng sweldo natin (itago natin sa pangalang
“tax” o buwis) eh, gawa gawa rin.
Makialam ka, kahit sa munti mong paraan.
No comments:
Post a Comment