Sunday, September 8, 2013

Sad Truth #2: Biyaheng Cambodia

Hindi ito isang travel blog dahil unang-una hindi naman ito travel blogsite.  Pangalawa, hindi po ako travel blogger (pangarap ko lang yun, pero hindi ko pa tinutupad), at pangatlo, hindi ko rin alam paano magsulat ng isang travel blog, pakiramdam ko kasi kailangan marami akong mapuntahang lugar para maituring ang sarili kong travel blogger, otherwise, puro "ironic" things na naman ang mga pinaggagagawa ko.

       Gusto kong umpisahan ang kwento tungkol sa aking paglalakbay sa ibang bansa.  First time ko ito kaya pakiramdam ko mukha akong tanga kumpara sa mga kasama ko (siyempre hindi ko pinahalata).  Sa totoo lang kinakabahan ako, kasi naman yung isang kaibigan ko bukod sa tinakot na ako na baka raw kuwestiyunin ako sa Immigration at tanungin ng kung anu-anong bagay, baka raw mapagtripan pa ako dahil cute ako (baka ibig sabihin niya lang hindi ako kagalang-galang o yung tipong kayang mandarag ng immigration officer).  Anyways, despite the pananakot thing...and everything, hindi naman ako magpapapigil, but of course natuloy pa rin ako.  Sa isang banda, anu nga ba ang kakatakutan ko, eh alam ko naman na wala akong iligal na ginawa at maitim na balak gawin sa ibang bansa?  Isa pa, anu pa bang takot ang dapat kong maramdaman kung kasama ko naman ang pamilya ko? Oo, kasama ko ang mga kapatid ko sa biyaheng ito.

         Natutuwa akong isipin na natupad na ang isang nakalista sa "bucketlist" ko, yun ay ang magbiyahe sa ibang bansa, Cambodia to be exact. Ang tagal ko na kasi naririnig yung Angkor Wat at seryoso naiinggit ako sa mga nakapunta na kaya sinabi ko sa sarili ko na bago matapos ang taon na ito ay bibisitahin ko yun. Noong una, ayaw ko pa talagang sumama sa kanila kasi nga may mantra ako na hindi ako gagala sa ibang bansa nang hindi ko napupuntahan ang Luzon, Vizayas, at Mindanao.  Ang biyaheng ito para sa akin? Magastos, nakakapagod, bitin!  Ganunpaman, sa isang banda, hindi ko pinagsisisihan ang lahat. Unang una nakasama ko ang pamilya ko sa paglalakwatsa, ang saya nun! Pangalawa, may panibago na naman akong experience, at pangatlo, marami akong natutunan sa maikling biyaheng ito:

1.  Mainit sa Cambodia, parang sa Pilipinas. Mainit din ang pagtanggap nila sa amin lalung-lalo na ang aming tour guide, hotel personnels, guides ng iba't-ibang sites na pinuntahan namin, driver, maging mga tindera, at iba pang Cambodians na nakasalamuha namin.

2. Mahirap na bansa ang Cambodia. Hanggang ngayon naiiwan pa rin sila sa usapin ng teknolohiya.  Nakita ko ito sa pagbisita namin sa kanilang Silk Farm na kung saan manu-mano pa rin talaga ang produksyon sa paggawa ng seda o silk.  Tao at hindi mga makina ang gumagawa, nagkukulay, nagtatahi, at naghahabi ng tela. Kung mayaman lang akong businesswoman, babalakin kong mag-invest doon. (pangarap!)

3.  Mahirap man silang bansa, wala akong nakitang traces na "katamaran" sa kanilang mga mamamayan.  Kahit na maliit ang sweldo nila (yung nakausap namin na tindera halos 8 oras nagtatrabaho pero nasa halos P3000.00 lang ang sweldo).  May mga bata rin na nagtitinda na sa murang edad. At talagang pursigido silang makabenta.  In general, masasabi kong masisipag ang mga Cambodians siguro dala na rin ng kahirapan nila (ang ganda di ba, mahirap ka na nga, kaya tama lang na magsipag ka, eh sa Pilipinas? Mahirap na nga, puros asa pa sa ayuda ng gobyerno, ang lakas pa makapanisi ng gobyerno na para bang obligasyon ng gobyernong punan ang hapag-kainan nila ng pagkain sa araw-araw. Oooopps! teka nadadala ako ng aking emosyon) 

4.  Halos lahat sa kanila ay nakakapag-Ingles din kaya iba man ang accent sa kanila, marunong silang makipag-usap sa maraming turista.  Napag-alaman ko rin na halos 3 milyon ang bumibisita sa Angkor Wat (pa lamang) sa loob ng isang taon.  Parang katumbas na ng halos 3 milyon na turista sa Pilipinas -- sa buong Pilipinas.
Si Akong, ang aming napakabait, napaka accomodating, at mahusay na tour guide. Bravo! Pinahanga mo kami sa taglay mong kaalaman, pagmamahal at dedication sa trabaho, at sa pagiging natural na masayahing tao. Naging masaya ang paglalakbay ng grupo dahil sa iyo.

5. Boom na boom ang turismo sa kanila dahil trained at professionals ang mga guides.  Sa tingin ko centralized ang pamamahala sa mga tourguides. Naka uniform sila at trained magsalita ng iba't-ibang lingguwahe depende sa lahi ng turistang sasamahan nila.  Naisip ko tuloy, sino ba sa atin ang "professional tour guide" na de kalibre na at tunay na maraming alam sa history ng Pilipinas, ng Maynila? Parang si G. Carlos Celdran lang yata. Meron pa ba?

6.  Sagrado nilang ituring ang mga templong bibisitahin dahil hindi maaring magsuot ng tsinelas, sleeveless, at maiikling mga damit.  Requirement nila na ang "below the knee" na pang ibaba, at halos 3-fourths na manggas na t-shirt o blouse.  Ganun nila iginagalang ang at nirerespeto ang kanilang mga templo, ang kanilang kultura, ang kanilang relihiyon. (Buddism ang relihiyon ng karamihan sa kanila) Nakakatuwa, nakaka-amazed, nakakainggit.







7.  Nakakalungkot na scenario: Dahil ayon sa pagkakaalam ko, tinuruan lamang ng mga Pinoy ang mga Cambodian sa UPLB ng mga pamamaraan sa pagsasaka at pag-ani ng palay.  Ngayon, napaka-ironic dahil isa na sila sa major exporter ng bigas sa Asia at maging sa Pilipinas.

8.  Walang trapik, malinis ang bansa nila, disiplinado ang mga tao, at most of all, tapat ang mga tao. Nakita ko ito sa mga tindahan, palikuran, at ibang establisyimiyento na kung saan iniiwan lang ng mga customers ang bayad nila at naroon lang ang pera, walang kumukuha. Kung ikukumpara sa Pilipinas, isa lang ang alam kong may "honesty store" yun ay yung sa Batanes.  Naalala ko pa na yung binilihan kong bata ng mga ref magnets, binayaran ko siya ng 10U$, pero 2U$ lang naman ang halaga ng binili ko, ibinigay niya ang mga binili ko, at saka tumakbo papalayo para humanap ng isusukli sa akin. (Naiwan na sa akin yung mga ref magnets at pati na rin yung pera).  

Nakilala ko si Niyang, ang batang nagtitinda ng ref magnets, postcards, at iba pang souvenir items sa loob ng Angkor Wat park. Wala naman talaga akong balak bumili dahil hindi ako mahilig sa mga small items at pasalubong pero nahikayat niya ako.  Sobrang uso sa bansang ito ang "tawaran". Naawa ako sa kanya nung sinabi niya sa akin na kailangan may benta siya para may baon siya sa eskwelahan. Pumapasok siya sa umaga at nagtitinda naman sa hapon.

Bumalik siya sa akin bitbit bitbit ang panukli sa buong 10U$ ko,
9.  Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng banta sa seguridad ko. SIguro kasi hindi naman ako mukang mayamang turista.... pero yun nga, wala akong takot na naglakad sa night market na bitbit ang pera at camera ko. Wala akong naramdaman na anytime eh may manghahablot ng mahahalaga kong gamit. 


Natutuwa ako sa mga experience na ito, pero nalulungkot ako para sa bansa ko. Kung sana pwede lang natin makuha kahit kaunti ng ugali meron sila. Kung sana may disiplina lamang tayong mga Pinoy, di hamak na mas maunlad at mas mayaman ang bansa natin sa kanila. Mas marami tayong resources eh, pero kulang tayo sa disiplina. Isang nakakalungkot na katotohanan na naman.

Marami pa sana akong kwentong-Cambodia, pero itutuloy ko na lang sa sunod na entry.  

Saturday, September 7, 2013

Kumunoy


Hanggang kailan pa ba ako kakapit,
paano ba, dapat pa nga bang ipilit?
Kung nahuhulog na ako sa kumunoy,
na waring nag-aalab at nag-aapoy

Hahagisan mo ba ako ng lubid,
o lilisan ka para maging matuwid?
Sa biyaheng 'di ako ang nag-umpisa,
ako lang sana bakit sasama ka pa?

Hanggang saan ba ako maglalakbay,
o hanggang kailan pa ba maghihintay?
Kung ang kumunoy na putik na pag-big,
kusa nang sa aki'y palapit ng palapit.

Hahagisan mo pa ba ako ng tali,
kung saan man gawa 'di ko na mawari.
Ang tanging natatanto ko lang ngayon,
Hindi na makabibitaw, saan ba paroroon?

Hindi magpigilan ang kumukulong kumunoy,
pulang dugong kumukulo sa bawat panaghoy.
Hahagisan mo pa ba ako ng makakapitan,
gayong kusa akong tatalon at magpapaalam.

Friday, August 30, 2013

Sad Truth: Sa Korapsyon, Pilipinas talagang magilas!

"Dura Lex, Sed Lex"
(A Latin maxim which means that the law may be harsh, but it is still the law)

"In all criminal prosecutions, the accused shall be presumed innocent until the contrary is proved" - (Art. III, Sec 14, par. (2), 1987 Philippine Constitution)

 (Larawan mula sa Google)

     Sadyang mapanghusga ang mga Pinoy, reyalidad na iyan. Akala mo wala silang pagkakamali, dungis, o mumunting mga bahong itinatago. Teka,hindi ako maka-Napoles, at lalong hindi maka-PNoy, buwiset ako sa korapsyon, sa mga sinungaling, sa mga mapanlilang, sa mga mapanlamang ng kapwa, pero sa palagay ko hindi tamang i-wish na parusahan ng hindi makatao si Janet Napoles Lim. Isipin niyo na lang, kapag namatay siya ngayon, mas lalong lalala ang malala nang problema, yun ay hindi niya na maituturo ang mga masterminds (I say it with an "s" dahil siguradong hindi lamang isang tao ang may utak ng lahat ng ito)  ng  pork barrel scam na ito na nagpapagalit at nagpapangitngit sa ating mga Pilipino sa ngayon.

 (Taray ni Madam Napoles oh, shades kung shades? Anu kayang brand nito?  -   Larawan mula sa Google)

        Kaya, hinay-hinay lang mga netizens, ang puso ninyo!!! Uulitin ko, the law is harsh but it is still the law. Kahit na kitang-kita na ang mga ebidensya ng panlilinlang sa mga Pilipino dahil sa isyung ito, sa tingin ng batas, inosente pa rin siya hangga't walang "conviction" na nangyayari. Good luck good luck sa gobyerno natin! Aasahan namin ang galing niyo sa part na ito.

    Hindi kaya dapat munang amyendahan ang batas? Pero sinung gagawa nun? 

  (Batasang Pambansa - pugad ng mga buwaya, este...Kongresista. --  Larawan mula sa Google)

Sinu pa? eh di mga lawmakers o mambubutas, I mean, Mambabatas!!!! Ang ating mga minamahal na kongresista at senador? Hmmmm.... kukuha kaya sila ng bato na ipupukpok sa kanilang ulo? Papayag kaya silang igisa sila sa sarili nilang mantika?

      Tandaan, ikaw ay nasa Pilipinas, kung saan, mahal ang gas, ninanakaw ang bigas, kurakot ay wagas ng politikong magigilas!

      Abangan na lang ang susunod na kabanata...


Sunday, August 25, 2013

Makialam, 'wag lang basta sawsawera!

Hindi ako magkukunwaring aware ako sa lahat ng isyung bumabalot sa ating napakagandang lipunan sa ngayon.  Ang sa akin lang, talaga naman talaga naman napakarami pa rin talagang sawsawero at sawsawera.  I’m sure alam niyo naman yung ibig kong sabihin, yun bang mga tao na ride na lang ng ride sa mga isyu, o di kaya naman eh ipinangangalandakan pa talaga ang stand niya sa mga isyung politikal na ito, madalas gamit ang social media.  Ilang facebook friends ko na nga ba ang nakitaan ko ng status tungkol sa Napoles issue, tungkol sa PDAF, tungkol sa pork barrel na yan? Hmmm... marami-rami na rin pero alam ko rin na sa dinami-dami nila, mangilan-ngilan lang ang tunay na may alam ng katotohanan.

Hep hep! Hinay-hinay lang naman kasi. Ang  mga puso ninyo. Kailangan niyo rin pangalagaan yan at baka ma highblood kayo sa galit, aba eh daig niyo pa ang kumain ng sandamakmak na pork na yan ‘pag nagkataon.  Payo lang, pigilan niyo muna ang mga sarili niyo na magmura, mainis, at magpuputak sa social media, manong alamin muna ang mga bagay bagay at detalye ng mga pinagsasabi mo, para hindi ka magmukang tanga na putak lang ng putak sa isyung ni hindi mo naman alam ang malalim na pinag-ugatan.


May mga naninisi pa kay PNoy, kasi siya raw ang may kasalanan ng lahat ng ito. Ows talaga? Siya lang talaga? Ang galing mo ring manisi eh noh? Eh ikaw, anung kasalanan mo? Wala? Kapatid, isip isip din? Sino ba ang mga ibinoto mo noong nakaraang eleksyon, at nung mga nakaraan at nakaraan pang eleksyon?  Hindi ba’t matagal ng sakit ng lipunan natin yang korapsyon na yan?  Hindi ka pa ba nasanay? Oh eh anung ginawa mo?  SIguro ngayon lang talaga nagsisipaglabasan ang mga yan kasi nga mas matapang na ang mga whistle blowers, mas may powers na silang umihip sa silbato nila para ilabas ang mga anumalya sa pamahalaan natin.  Pero hindi lang naman sila ang bumubuo sa lipunan, lahat tayo kasali dito, kumbaga eh damay damay na. Kaya imbes na pumutak ka lang ng pumutak at magmura sa lintek na nawawalang parte ng sweldo natin (itago natin sa pangalang “tax” o buwis) eh, gawa gawa rin.

Makialam ka, kahit sa munti mong paraan. 

Thursday, August 22, 2013

Wanted: Boarder!


Dear Mark,

       Alam ko naman na aalis ka rin, matatapos din ang lahat kaya mabuti pang huwag na lang nating umpisahan 'to. Pagod na pagod na akong sa pakiramdam na laging iniiwan at pagod na akong masaktan. Hindi ko alam pero bakit kahit anong pagod ko napapawi kapag nararamdaman ko na sa isang banda ng buhay mo, may espasyo din para sa akin. Hindi ko maiwasang isipin na pwede rin akong maging masaya, pwede rin kitang makasama, pwede din kitang mahalin.

    Kahit na alam ko na magulo pa sa pinakamagulo, mas komplikado pa sa pinakakomplikado itong pinapasok ko, hindi ko pa rin mapigilan. Eh ang hirap naman kasing kalabanin ang sarili, ang hirap pagsabihan ng puso ko. Pero, wala na eh, laglag na ako.

          Sa totoo lang, gusto kong magalit sa iyo kasi hinayaan mo akong mahulog tapos hindi ka naman sigurado na kaya mo akong saluhin. Alam ko sinabi mo na 'yun, sinabi mo na makailang ulit na gagawin mo ito, pero iba pa rin ang nakikita at nararamdaman ko. Alam mo, gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit ako naniwala na hindi kasalanan ang maging masaya. Baka nga kasi hindi ako nababagay maging masaya, baka hanggang dito lang talaga ako. Baka ito ang kaparalaran ko, wala eh, kahit anung gawin ko, hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Nasasaktan dahil kahit gaano ko paikut-ikutin ang istorya natin, talagang huli na ang lahat... maaring pati ang pagtatagpo natin huli na rin, dahil nangyari ito sa maling panahon. Mali na hindi na maitatama pa, o tama na mananatiling sa paniniwala na lamang.

        Wala naman akong gustong mangyari na kahit ano, ang sakit lang kasi isipin na kung kailan ko naramdamang handa na ako at ang puso ko, saka ka naman dumating. Dumating ka pero hindi naman permanenteng mananahan sa lugar na inilaan ko para sa iyo.

         Siguro, paalam na lang. Masakit talaga eh pero siguro, "boarder" ka lang sa puso ko, at paso na ang kontrata natin. Tapos na. 

          Ingat ka sa bago mong bahay, sa bago mong buhay. 

                                                                                                                                                                                                                             Nagmamahal,
                                                                                                                                                                                                                             Julia

Friday, August 9, 2013

Bakit Ngayon Ka Lang?

"Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?"
'Yan ang pamosong linya sa awit na likha ni Ogie Alcasid. At oo madalas ko rin yang piyesa sa videoke... ahem! (frustrated singer din, pagbigyan na). Aaminin ko na, oo ang lakas maka- emote at makalungkot ng kantang 'yan. Pero ngayon ko lang talaga siya napag-isipan at naisapuso. Siguro kasi parang ngayon ko lang totoong nararamdaman na tumutugma na ito
sa nararanasan ko sa kasalukuyan.

Eh bakit nga ba ngayon ka lang? O baka naman bakit ba ngayon lang ako dumating? Eh kasi naman delayed yata ang flight, may humarang, may hadlang, may nangyari, at kung anu-ano pang dahilan ang meron.

Bakit kung kailan nauna na siyang magsara ng puso para sa isa pang tao, dun pa kami kailangang magtagpo? Hindi naman pwedeng "sana dalawa ang puso ko" kagaya nga ng awit ng Bodgie's Law of Gravity. Eh kasi nga isa lang ang puso, limitado lang ang espasyo, pang isahan lang. Eksklusibo!

Bakit ngayon lang? At bakit ko nararamdan ito? Hindi ko alam!
Paano kung siya ang tama para sa akin at ako naman ang tama para sa kanya? Paano kung tama pero mali pa rin? Kungsabagay, "timing is everything", 'ika nga nila. Anu pa bang saysay ng makita mo na kung ano at kung sino ang tama kung mali naman ang panahon?

Wala! walang saysay ang tama sa maling panahon at pagkakataon, kundi ang isipin na lang na sa isang banda, nagmahal ka, nakaramdam ka ng pakiramdam na tama....
...sapat na siguro yun.

posted from Bloggeroid

Monday, August 5, 2013

'Wag Lang Siya! (Komplikado Part Two)



Ang dali sabihin na wag na lang siya, ay nako mahirap yan, hindi siya tama, hindi kayo bagay, mas may tao pang magmamahal sa'yo, may makikita at mahahanap ka pang iba, 'wag lang siya!

'Wag lang siya kasi komplikado masyado ang buhay niya.  Marami kang dapat isipin at tanggapin kapag nagdesisyon kang piliin siya.

Yan ang mga madalas kong ipayo sa mga kaibigan kong nagtatanong sakin tungkol sa mga pinagdadaanan nila.  Ewan ko ba, hindi ako eksperto sa usapin ng pag-ibig at pakikipag-relasyon pero marami pa rin namang kumukuha sa akin ng inspirasyon at nakikipag-usap para makakuha ng kaunting payo o words of wisdom. Wisdom nga ba? o maaring marunong lang ako talagang makinig, kahit hindi man nila tanggapin ang sinasabi ko o kahit hindi mann ako magsalita, basta makikinig ako.

Pero paano kung ang mga ipinapayo mo, isang araw na lang will dawn on you?  Paano kung ang mga paninindigan mo bigla na lang mababale-wala kasi sa tingin mo nahuhulog ka sa isang bangin na hindi mo alam kung gaano kalalim, paano kung mapunta ka sa isang sitwasyon na hindi mo alam ang hangganan, sa isang lugar na hindi mo alam kung anung patutunguhan? Paano kung nagmamahal ka na.........muli?

Para sa isang taong maraming taon ang binilang mahanap lang ang "the one", mahanap lang kung sino ba ang karapat-dapat, isang napakalaking challenge at pressure ang magkaroon ng isang perpektong relasyon.  Wala  naman talagang perfect relationship, but there is always that hope that the next would be better than the past ones.  There would always be that effort to make it work, to make it last, to keep it perfect.

Para sa isang tao na dumaan sa matinding unos sa pag-ibig, paano pa nga ba susubukang umibig muli, paano nga ba magtitiwala gayong sa panibagong pagkakataon, komplikado na naman ang sitwasyon?

Sa loob ng anim na taon, masasabi kong maraming oportunidad na ang dumating, pero ganun pa rin, puros na lang pagdududa sa intensiyon ng isang tao para sa iyo, pag-aalinlangan kung totoo ba ang ipinapakita nito, pagiging matakutin dahil takot magtiwala, at pagdadalawang isip kung susubok ba o titiklop, yan na lang ang laging nangyari, paulit-ulit.

Ngayon ko tuloy naisip na sana sa anim na taon na ipinagwalang bahala ko (kasi akala ko yun yung kailangan ko para maghilom lahat lahat ng sugat ng nakaraan eh), ngayon ko lang naisip na sayang.  Sayang kasi dapat sa loob ng mga panahong yun, maaring nahanap ko na siya at nakita na niya ako.  

Anung gagawin ko gayong kung kelan naman tumibok ang puso ko muli, sa komplikadong sitwasyon, sa maling tao?  Para bang mas kumplikado pa sa pinakakomplikadong bagay na nakayanan ko noon.  Pipigilan ko ba ang sarili kong magmahal? O magpapalamon na lang ako sa komplikadong sitwasyong ito?

Hays....bakit ngayon lang kasi ako?  Bakit ngayon lang ako dumating sa buhay mo  kung kailan hindi na ako ang maaring maging prayoridad mo?  Bakit kailangan pa kitang makilala sa panahong handa na akong magbigay ng pagmamahal ko para sa isang tao?  Bakit hindi mo na lang ako hinanap noon?  At bakit hindi ko na lang pinagbigyan ang sarili ko na makita ko noon?

Sa huli, alam kong hindi maaaring mangyari ang mga bagay na gusto natin, kahit pa nga ramdam na ramdam natin ang pagmamahal na ngayon pa lamang umuusbong, pero kagaya ng isang damo sa kailangan natin putulin ito para hindi na makasagabal pa sa pagyabong ng isang punong nararapat mamunga para sa ikabubuti ng iba.

Magpaparaya na lang akong muli.......dahil siguro, diyan ako magaling.  Baka nga yan ang purpose ko, dahil hindi ako nararapat para sa komplikado.

Friday, July 26, 2013

Mali vs. Masaya

Kung ikaw ang papipiliin? Dun ka ba sa tama na malungkot ka o dun ka sa mali pero masaya?  Ang hirap noh? Pero kasi ganun talaga eh, minsan nga iniisip ko, kailangan ba talaga pumili?      
     
       Minsan, muli kong naramdaman na maging masaya sa piling ng isang tao.  Oo mahirap at kumplikado (o kumplikado dahil mahirap? Hindi ko na alam kung alin) pero dito ako sumasaya.  Kahit saglit lang, kahit alam kong hindi pangmatagalan.  Tama yung isang kaibigan ko na minsan nagsabi na, alam ko naman na matatapos din ito kasi nga mali ito umpisa pa lang, pero pinasok ko pa rin dahil ayoko magkaroon ng pagsisisi sa bandang huli dahil hindi ko sinubukan.  Ayokong dumating ang panahon na magtatanong ako sa sarili ko kung ano kaya ang nangyari dapat, ano kaya ang kinahantungan o ano kaya ang pinatunguhan kung ginawa ko yung bagay na hindi ko ginawa? Ano nga kaya?  At ayaw kong mangyari yun kaya ako nandito sa sitwasyong ito…..ulit!

      Minsan na itong natapos, minsan na nagwakas, na hindi ko nga alam kung nagsimula nga ba, na basta ang alam ko lang kasi masaya ako sa ngayon eh, sa nangyari, sa nangyayari, at kung may mangyayari pa. Alam kong hindi ko hawak at kontrolado ang takbo ng pagkakataon, kahit pa nga minsan ng sarili kong emosyon, pero yun na nga, masaya ako sa ngayon at sa tingin ko, napakaimportante nun, hindi kasi lahat ng tao naaabot ang ganitong klase ng pakiramdam. 


      Kung minsan may mga bagay o desisyon, o relasyon talaga na mali, o tingin natin o ng ibang tao eh mali, pero  tayo lang naman ay may karapatan at kakayahan na itama ang mga mali natin eh.  Minsan ang mali nagiging tama kapag masaya tayo sa resulta ng bagay na ginawa natin o ginagawa natin.  Hindi naman krimen ang magkamali, hindi rin ito ang katapusan ng buhay kapag nagkamali.  Hindi naman sa sinasabi kong magkamali na lang tayo ng magkamali palagi kahit masaya tayo, ang sa akin lang, hindi naman kabawasan ng pagkatao natin kung nagkamali tayong minsan, dahil baka sa mangilan-ngilang pagkakataon eh nakapagpasaya naman tayo. ng iba, o di kaya ng sarili natin.  ‘Yun lang kagaya ng lahat ng bagay, hindi na porket libre eh uulit-ulitin na lang natin. Sabi nga, hindi dapat masanay sa “unli” na pagkakamali.  “Isip isip din ng natutunan sa pagkakamali kapag may time” di ba? 

     Ang sinasabi ko lang naman talaga, sikapin nating maging tama at masaya sa lahat ng oras.  Ganunpaman, lahat naman tayo nagkakamali pa rin, kasama ka dun, pati ako!

Wednesday, July 24, 2013

time first!


Ano nga ba ang meaning ng “time-first”? Pano ba naimbento ang salitang ito? Hindi ako eksperto sa mga etimolohiya pero pipilitin kong magbalik-tanaw. Pipilitin kong ipaliwanag sa pamamagitan ng limitadong alam ko sa salitang ito at kung saan-saan ba pwedeng i-apply ito.

Ang alam ko una ko itong narinig sa laro na “habulan” noong bata pa ako. Hala sige, takbo rito, takbo roon, malapit ka na maabutan ng taya.  Tapos, sabay, sisigaw ka ng “taympers” sabay nakasenyas ka pa ng letter “T” gamit ang iyong dalawang palad.  Oh di bah? Hindi ka matataya, iwas huli kumbaga. Hmmm….kadayaan ba ‘yun? Pwede rin! Pero pwede rin naman na may magandang dahilan, baka nga naman pagod ka na, nadapa ka, swerte kung hindi ka nagalusan o nasugatan, o di kaya naman eh napigtal na ang goma mong tsinelas sa kakatakbo.

Hmmm… time-first…isip pa ako ha?

Pwede rin kung tuluy-tuloy ka ng pagsasalita sabay bigla mo nakalimutan ang sasabihin mo. “taympers”, pagkatapos nun, mag-iisip ka na ng kung anu nga ba ang susunod mong sabihin. Oh di ba? “savior” ang dating ng salitang ito? Kesa naman bigla ka na lang titigil ng walang pasintabi di ba?

Ahhhh…. Oo pwede rin pala siya i-apply kapag sobrang dami na ng nagsasalita, sabay-sabay, nagtatalo na ang mga magkakausap at hindi magkasundo sa kung anumang bagay na pinagtatalunan o pinagdidiskusyunan. Inappropriate kung iisipin pero di ba nagamit na rin ang salitang “time-first”! Sino ba talagang mauuna? Sino bang magsasalita? Teka… ako ba o ikaw? O sige ako na nga muna!

May kaibigan ako, eto masaya siya kasi may bago na naman siyang nobyo. Makulay ang mundo niya, masaya at parang lumulutang sa alapaap sa kasiyahan. Walang humpay na bukambibig niya ang kanyang sintang minamahal. Siya na yata ang pinaka perfect para sa kanya. Sa wakas nahanap niya na rin ang taong magmamahal sa kanya ng wagas. Naks!  Pero ilang taon din ang lumipas, wala rin pala.

Nasaan na ang taong iyon? Nasaan na ang tunay na pagmamahal na pinagmamalaki niya?  Siguro, ganun lang naman talaga ang buhay, may dumadating, may umaalis. Baka nga hindi naman “meant to be” kaya nagkaganun.  O sige, okey lang…. Masakit naman talaga di ba. 

Hinayaan ko siyang manahimik ng ilang buwan. Alam kong iniinda niya pa rin ang sakit ng mga panahong iyon kaya pinili niya na lang magsolo, magmukmok, at tuluyang hindi magsalita kahit pa nga alam niya naman walang “time-first” sa akin kapag gusto niya na ng kausap. Naisip ko rin, baka nga siya ang nag invoke ng “time-first”!  “O sige, time-first ha? Gusto ko munang manahimik, pabayaan niyo lang ako”. At ganun na nga ang nangyari.

Okey…. Matapos ang pagmumukmok…eto na… Nagbalik ang sigla sa kanyang muka, nagrurumosas na nga ang kanyang pisngi sa galak…Ahhh…siguro may bago na siya? Posible…pero final na nga ba ito? Ang bilis naman!  Sabagay, kung ang pagpapalit nga na ginawa sa kanya mabilisan rin, bakit naman di niya rin makakaya ang ganun?

Kaya lang napaisip ako, eto na nga ba ang tamang gawin niya? Paiba-iba, padami ng padami…pakomplikado ng pakomplikado. Anung patutunguhan nito? Ayokong sa bandang huli ay pagsisihan niya ang lahat.  Baka masyado siyang magmadali na malampasan ang lahat ganung hindi pa naman siya tunay na handa dito. Baka mashado siyang nagmamadaling marating ang finish line gayong pwede namang mag ”time-first”.

Pauli-ulit ko naman sinasabi sa kanya na pahinga muna di ba? Hindi naman requirement na kailangan laging attached, committed, o merong someone, o merong something. Marami namang mga kaibigan.  Hindi naman kailangan laging may minamahal di ba? Pwede naman magpahinga, karapatan niya yun. Kailangan niya yun. She deserves that little break.  Kumbaga sa laro eh, time-out muna o kaya “time-first” sabi nga ng mga bata di ba?  Di ba nagpapahinga naman talaga ang mga napapagod para ma regain nila yung mga energy na nawala?  Pwede rin namang i-apply yun sa sarili, sa puso, sa utak. 


Bakit hindi mo lang subukan? Time-first!

Thursday, July 11, 2013

Mga Katanungan

Oh umpisa pa lang magdi-disclaimer na ako ha? Hindi ko original na gawa ang mga katanungang ito, pero ang mga sagot akin. 
Natuwa lang ako sa mga tanong eh madalas kasi hindi tayo "responsive" sa mga tanong sa atin kasi nagsasalita pa lang yung kausap natin, nagtatanong pa lang, nagpoproseso na ang utak natin ng sagot, 'yan tuloy mali tayo ng nasasabi.  Kung ganito kaya ang mga tanong sa iyo?

1. KUNYARI NAG-ILOVEYOU KA NA SA CRUSH MO TAPOS BIGLANG MAY LUMITAW NA DRAGON SA HARAP MO, ANO FAVORITE MONG PAGKAIN?
? Nakow..marami 
 
2. PAG LUMINDOL NG MALAKAS AT KATABI MO CRUSH MO, ANONG GUSTO MONG SABIHIN SA MGA MAY AYAW KAY PACQUIAO?
? Pareho pala tayo
3. KUNYARI MANANALO KA NG 1 MILLION, ANONG GUSTO MONG KULAY NG RAINBOW?
? Violet...kelangan pa bang i-memorize yan. 
4. BINIGYAN KA NG KAPANGYARIHAN NG DIWATA, ANONG NAME NG FIRST CRUSH MO?
? Jessie 
5. IPAPAMANA SAYO ANG MGA ARI-ARIAN NIYO NG TATAY MO. KUNG PAPIPILIIN KA, PUNK O EMO?
? Emo ata :) 
6. KUNYARE PAPATAY KA NG TAO, SAAN KA GALING KAGABI
? Sa Southmall
7. KUNYARI NASA GUBAT KA NA PUNONG PUNO NG MGA MAPANGANIB NA HAYOP, PAPAYAG KA BA NA MAPUNTA SI ANGEL LOCSIN KAY KUYA RODERICK?
? Eh ano naman 
8. SA HIRAP NG BUHAY NGAYON, ANONG FAVORITE MO’NG BAND?
? Eraserheads at Parokya ni Edgar pa rin 
9. KUNYARI NAKASALUBONG MO EX-LOVE MO NA MAY KASAMANG BAGONG BOYFRIEND/GIRLFRIEND, ANONG GAGAWIN MO PARA MAKATULONG SA MGA NASALANTA NG BAGYO?
? Magdodonate ng old clothes :)
10. NABUNTIS MO GIRLFRIEND NG BESTFRIEND MO TAPOS TINANONG KA NYA, KFC O MCDO?
? McDo kasi may McCafe :)
11. KUNYARI MAGUGUNAW NA ANG MUNDO BUKAS, TAPOS NALAMAN MONG GUSTO KA RIN NG GUSTO MO, KANINONG DENTISTA KA MAGPAPAAYOS NG IPIN?
?kay Dra. Joy 
12. OO AT HINDI LANG, ANONG PAKIRAMDAM MO NGAYON?
? Hindi
13. SA GULO NG GOBYERNO NATIN NGAYON, SA TINGIN MO MAY PAG-ASA PA BANG MABAGO ANG SIZE NG PASAS?
? Wala na.
14. NASTRANDED KA SA ELEVATOR, WALA KANG MAHINGAN NG TULONG, ANONG GAGAWIN MO PARA MAKAALIS NG BAHAY BUKAS?
? Eh di lalabas :)
15. NAALALA MO BIGLA UNG EX MO, TINGIN MO NAALALA KA RIN NG TEACHER MO NUNG GRADE 1? ? Malamang hindi na, patay na kasi siya e :(
16. HINDI NA KAYO NAGPAPANSINAN NG DATING MAHAL MO, TINGIN MO ALAM NYA ANG PAKIRAMDAM MO KAPAG MAY SUN BURN?
? Siguro. 
17. DINAMPOT KA NG PULIS SA KASALANANG HINDI MO GINAWA, ANONG GAGAWIN MO PARA I-ADD KA NIYA SA FB?
? Magpapa-cute lalo na kung pogi yung pulis
18. NAGKASABAY OUTING NG BARKADA AT PAMILYA MO, ANO UUNAHIN MO ISUOT T-SHIRT O PANTALON?
? Pantalon
19. NASIRA MO TIWALA NG KAIBIGAN MO, PAANO MO MAIBABALIK ANG DATING SIGLA NG KALIKASAN?
? Magiging disiplinado ako
20. PAG ANG BAKA SINABAWAN MO AT CHICKEN CUBES NILAGAY MO, ANO ANG MANGINGIBABAW, KASAMAAN O KABUTIHAN?
? Kabutihan! 

Sa totoo lang wala talagang kuwenta ang post na ito, eh bakit ba? Account ko 'to :)) Sagutin mo rin, trip trip lang yan :) 

Malilimot din kita, promise!

Gusto kong puntahan ang lugar kung saan kita huling nakita at nakasama.  Para akong baliw noh? Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang nakaraan natin.  Oo aaminin ko, nalulunod pa rin ako sa mga magagandang alaala nating dalawa. Mahigit tatlong taon din yun, o baka mag-aapat pa nga. Naaalala ko pa ang mukha mo, oo bawat anggulo, bawat sulok, bawat nunal na meron ka sa mukha mo, kabisado ko pa.  Kahit nga mga yakap mo minsan naiisip ko pa rin at nadarama, pati ang reyalidad na maaring may iba ka nang niyayakap sa ngayon.

Pero paano ba naman kita makakalimutan? Ikaw ang nagturo sa akin kung paano languyin ang kalaliman ng dagat, ikaw ang nagturo sa akin na mangarap kaya nga tayong dalawa ang siyang nagtayo ng tore na paglalagakan natin ng mga magagandang alaala.

Paano ko ba uumpisahang alisin ang lahat ng ituro mong ito sa akin?  Ngayon ay kailangan ko lahat isa-isang kalimutan, at isipin na wala akong natutunan na kahit ano.  Ganun lang ba talaga kadali yun? Mahirap magbura ng alaala ha?! Ano 'to? Kelangan ko ba magkaroon ng amnesia para lang mabura ang parte ng utak ko kung saan nandoon ang alaala mo?  Mahirap...mahirap talaga pero kailangan kong turuan ang sarili ko na wag ka nang mahalin. Kailangan kong magkunwaring hindi kita nakilala o nakasama, yung kunyari hindi ka nag exist?  Kailangan kong kalimutan na minsan minahal kita kasi ito lang ang tanging paraan para makalimutan kita ng tuluyan, pati yung sakit na patuloy kong nararamdaman sa tuwing maiisip kita.

Oo, determinado naman akong kalimutan ka.  Alam ko naman na kailangan ako mismo ang tumulong sa sarili ko na palayasin sa puso ko ang isang kagaya mo.  Kailangang bakantehin ang puwang sa puso ko para hayaang makapasok ang iba na maaring mas magpapaligaya nito. Hindi naman ako magmamadali kasi baka bumara siya, pero basta alam ko lang kailangan handa ito sa pagdating niya.

Kailangan ko nang bumitiw kasi hindi ko na kayang isalba at sagipin kita dahil ako man ay nalulunod na sa karagatan ng alaala mo. Kailangan ko na rin namang balikan ang sarili ko.... sa lugar na kung saan hindi na kita makikita, hindi na kita maalala pa.  Hindi ko alam kung kailan at saan, pero alam kong mangyayari din 'yon. Malilimutan din kita, maghintay ka lang, baka isang araw, isang linggo, isang buwan, isa, dalawa, tatlong taon - malilimot din kita.
Promise 'yan.

Wednesday, July 10, 2013

If I Was The One


The first time I saw her, I knew that there was something interesting about her.  I still didn't know what was that but it felt like I needed to know.  I wasted no time in getting to know her.  I have been hearing her name because she was working in the same department where my team belonged.  I was a member of a varsity club and we would usually request for logistical needs to the office, of course, through her.

As days passed by, I found myself regularly visiting her, often sitting in front of her desk, pretending to ask questions about my team, and a few other things.  Of course, during those conversations, I would normally incorporate my personal questions.  She willingly answered every question I asked, often asking me why I want to know, but still answering them in the end.  That's when I knew, we could be friends.

There are times when I was running out of questions (because I already got what i needed in my team's concern), and yet, I would still go to her office just to see her.  The conversation went from the shallow stories to the deeper ones.  I found myself opening up my stories to her as well. I jokingly told her what if we fall in love? She was bubbly, always happy, and always accommodating  but one thing that she told me was not to fall in love with her.  I boastfully said, I will never.


But I felt that that was the biggest lie I told her.  Could this be that I am falling for her?  I didn't want to entertain that fact because of our situation, me, being directly under her and she, as our supervisor.  But each day, my feelings for her gets stronger that I could no longer contain it.  I wanted to tell her early on, but something was keeping me from doing so.  I still did not tell her that.  

Then, I fell in love with her even more when I found out that her boyfriend was hurting her.  It felt like I needed to be there for her. I wanted to protect her and I wanted to show her I care.  I knew that she was in pain, in deep pain and her relationship with him was in the brink of breaking down, yet I did not see her falter.  She remained faithful to him, I can see that in her eyes.  Despite that, she never failed to smile at me in the days that I visited her. She never failed to listen to me no matter how busy her work is.  

One day, I finally got the courage to ask for her number which she willingly give.  Maybe she thought that it would just be for official business, but my purpose was different.  I wanted to know her better and we found ourselves sending messages to each other, on a daily basis.  At that point, I thought that there was something. It felt like there was hope that somehow she could give me her attention, and love probably. But that was too damn to think about. She in involved, she is in a relationship, and I could not ruin that.  However, something's telling me not to leave her. I wanted to be there when she cries, when she needs someone to talk to and when she eventually say goodbye to that stupid  (sorry for the word) boyfriend who do not deserve someone as special as her.

But for now, all I can do is ask myself, what if it is me who was loving her?



Ekay

Dear Ekay, 
         Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko uumpisahan sabihin ang lahat ng ito sa iyo. Hindi ako magaling magpaliwanag, at hindi rin ako magaling magsulat, pero ang isa pang hindi ako magaling, eh yung makita kang nasasaktan. Pasensiya ka na kung sumulat na lang ako sa iyo. Gusto ko man sabihin lahat ng personal sa iyo ito, gusto ko man makita ka, alam kong ayaw mo na akong makita.   
        Alam ko nasaktan kita ng sobra. Hindi ko alam kung anu pang salita ang maari kong sabihin para lang ipaalam sa iyo na alam kong nagkamali ako. Hinihingi ko na sana mapatawad mo ako. 
       Hindi natin ginusto ang mga nangyari, nagkamali ako pero alam kong kasalanan ko. Akala ko kasi ‘yun lang ang isang tamang bagay na pwede kong gawin e. Ginusto ko lang magpakatotoo sa sarili ko at sa iyo kahit pa nga nakasakit ako sa proseso. Sinubukan ko, alam ng Diyos kung paano ko sinubukang ayusin ang lahat sa ating dalawa, sinubukan kong ibalik lahat, at pantayan ang lahat ng kaya mong ibigay at patuloy na ibinibigay, pero bigo ako at patuloy na mabibigo dahil napakabuti mo. Hanggang doon na lang talaga yung kaya ko eh, mahina ako, marupok, at hindi ko kayang tularan lahat ng ginagawa mong kabutihan, kahit pa gaano ko sikapin ‘yun. Ayokong maging isang tao na hindi naman talagang ako. 
      Minahal kita, alam mo ‘yan, at alam ko rin kung gaano mo ako pinahalagahan at inalagaan sa panahong tayo ay magkasama. Hindi naman tayo aabot sa ganito kung hindi natin pareho naramdaman na parte tayo ng isa’t-isa, pero siguro hindi lang talaga sapat yun para manatili pa tayong magkasama. Sa bandang huli, masasaktan lang natin ang isa’t-isa dahil magkaiba tayo at alam natin na maraming bagay ang hindi natin kayang harapin ng magkasama. Huwag na nating hintayin pa ‘yun dahil ayokong masaktan kita ng paulit-ulit, ayoko ring baguhin ka. 
          Sana maintindihan mo ako.
          Sorry Ekay!

Saturday, July 6, 2013

Papampam

bakit ba hindi ako nagsasawa
sa aking pangangamusta?
gayong paulit-ulit mo naman
akong tinatabla?

tanggap ko naman ang lahat
at ngayon, ako ma'y malaya na
pero bakit di mapigil ang sarili
at inaalala ka palagi?

sana natuturuan ang alaala
na huwag kang alalahanin
sana natuturuan ang isip
na huwag kang isipin.

pero ano ang magagawa?
heto ako't naghihimutok,
alam namang walang mapapala
pero heto't nakatunganga...

nag-iisip ng paraan
kung paano kitang kakausapin
nag-iisip ng daan
kung sa'n ka hahagilapin.

hindi ako natatahimik.
pero mabuti na rin siguro'ng ganito
ang tanong ko lang ay bakit?
ngayon ako'y tuliro.


Ikaw ba’y nagpapapansin
O sa akin ay nagpapasaring
Kung ganun nga ay bakit
Hindi pa ba sapat ang sakit?
 
Ikaw ba’y nang-iinsulto
Inaaasar mo ba talaga ako
Kung ganun ay bakit
Ang paraan mo ay napakapangit
 
Ikaw ba’y nagpaparamdam
di kaya’y  patuloy na umaasam
Ng aking pansin sa ngayon
Nagkakamali ka kung gayon
 
Ikaw ba  ngayon ay nagdurusa
Wala ka na ba talagang pag-asa
Sa larong iyong sinimulan,
Sayang ikaw ang umuwing luhaan.


________________________________
After receiving blank messages for consecutive days, i thought that someone was trying to catch my attention, but I refused to entertain that fact until after an ex-boyfriend's blank messages popped up in my messenger box.  A few days more and I saw him online again. Even if I noticed it, i didn't let him know. Hence, these poems. "papampam" = papansin!!!

The first poem is not mine. It's by a friend who said that maybe that person was trying to say those things to me.

Friday, July 5, 2013

Letting Go


Paano nga ba lumayo mula sa taong minamahal mo at ipagpatuloy na lamang ang buhay bilang magkaibigan?  Pwede bang baguhin ang landas na minsang tinahak ninyo ng magkasama? Pwede nga bang baguhin at simulang muli? Paano ang mga alala na meron kayo? Paano ang mga pangarap na nabuo habang kayo ay magkasama?
Ilan lang yan sa mga tanong ko noon habang pinagdadaanan ko ang sa palagay ko’y madilim na yugto ng buhay-pag-ibig ko.  Siguro iisipin ng iba, napakadaling sagutin niyan. Eh di mag “let-go”. Ang tanong, paano nga ba umpisahan mag-let-go? Madali ba talagang gawin yun? 
Ang hirap na palayain siya pero alam ko sa sarili ko na kailangan. Pero kahit pa nga alam ko, hirap akong subukan, hirap akong simulan.  Matagal na panahon na kami ay nagmahalan, may mangilan-ngilan na ring beses sa mga panahon na ‘yun na lumisan siya at para bang susuko na, pero sinasabi ng puso ko na huwag akong bumitiw, eh ang puso kong masunurin, ayun! Kaya nga hindi bumibitaw ang puso hanggang kaya pa, hanggang sa tingin ko may pag-asa pa, kahit pa nga ang sakit-sakit na, kahit pa sinsasabi ng isip ko na kailangan ko nang gawin ito para sa akin --- para sa amin. 
Marami na kaming pinagdaanan at pinagsamahan.  Sabay  na tumawa, natuwa sa mga munting achievements  ng isat-isa, lumuha sa problema, nangarap para sa aming sarili, at para sa aming dalawa. Pero lahat ng iyon, wala na at hindi ko na nga maibabalik pa. Nakalipas na nga ang lahat.  Kailangan naming maghiwalay, lumayo sa isa’t-isa, at hayaan ang mga sarili naming gamutin ang sugat na dulot ng mga pangyayari sa buhay namin.  Sa puntong yun, kinailangang tulungan ang sarili naming lumimot, bumangon sa pagkagupo, at maging malakas na muli para lumaban sa hamon ng buhay.  At kailangan gawin naming ito ng mag-isa, yung hindi umaasa sa isa’t-isa.  Noon ko sinabi na hindi ko magagawa iyon kung hindi ako magiging matatag, at hindi ako magiging matatag kung patuloy akong aasa na nandiyan sa para sa akin para isalba ako sa lahat ng panahong madadapa ako.  Kailangan ko ring matutong tumayo sa sarili kong paa habang hininitay ko ang panahon na ganun din siya – yung panahon na kaya niya na akong panindigan at ipaglaban. 
Alam ko na isang araw magiging masaya rin ako, magiging masaya din siya --- gawin man namin ito ng mag-isa, magkasama, o baka nga sa piling ng iba.  Makakatagpo rin siya ang kapareha niya, karamay, at yung isang tao na magpapaligaya sa kanya ng tunay, yung magbibigay sa kanya ng pagmamahal na talagang kailangan niya at nararapat para kanya.  Aaminin ko, noon nangangarap  pa rin ako na sana isang araw, ako yun.  Kahit sandali, kahit konti lang, kahit pansamantala….pero sa isipan ko na lamang yun.  Ang dalangin ko na lang ay sana maging maayos ang buhay niya, sana mahanap niya ang inilaan ng Diyos para sa kanya. Sana matagpuan rin siya ng taong iyon.  
...at bukas makalawa, maiisip niya rin na ito ang mas tama, ito ang mas makakabuti, ito ang mas nararapat - ang magpalaya!

Thursday, July 4, 2013

Eksena sa Government Hospital


Minsan nakaka-kunsensiya dahil madalas tayong magreklamo, mabilis tayong magreklamo dahil matagal ang isang bagay o hindi natin kaagad makuha ang mga gusto natin, o dahil hindi nangyayari ang mga gusto nating mangyari.

     Tuwang tuwa ako nung nalaman ko na pasado na ako at kailangan ko na lamang magpasa ng mga requirements para makapagtrabaho sa gobyerno. Sa may 9 na taon kong pamamalagi sa pribadong kumpanya, panibagong environment ito para sa akin.  Isa sa mga kailangan kong gawin eh yung magpa-medical (lahat naman siguro pinagdaanan ito) kaso lang ang kakaiba nga lang eh matapos ko matapos lahat ng dapat gawin, kailangan pala sa tinatawag nilang government physician ako magpapirma.

Kinailangan kong pumunta sa district hospital sa lugar namin kasi doon ko lang matatagpuan ang doktor na maaring pumirma sa mga papeles ko.  Malapit lang naman pero dahil nga hindi naman ako pumupunta dun, pakiramdam ko umeffort pa rin talaga ako sa pagpunta.


       Inagahan ko ang punta kasi inaasahan ko na ang mahabang pila, mabuti na rin ang maaga di ba?
Hanggang sa...ang isang oras na paghihintay ay naging dalawa, naging tatlo, naging apat!!!

     Ang tagal ng doktor, sobra talaga, mabagal ang proseso, masungit ang mga tao, paulit-ulit ang tanong at ang proseso ng pakikipagkita sa doktor para magpakonsulta at at nasabi ko na lang
 " Walang sistema ang ospital ng gobyerno! Siguro mamamatay ako ng kakahintay dito." 
     Siyempre may kasamang eksaherasyon ang pahayag na iyon dahil nga sobrang inip na inip na ako. Hindi biro ang pumila ng mahigit tatlong oras para lamang magpakunsulta at magpapirma sa doktor dahilan lang sa isa itong rekwisito para sa trabaho ko.

       Hanggang sa isang scenario ang nagpamulat sa akin sa isang malungkot na katotohanan:

      May isang matandang babaeng nasa wheelchair. May kasama siyang lalaki, hindi naman katandaan at hindi rin sobrang bata pero palagay ko anak niya yun. Sa uanang tinging ko pa lang sa matanda,alam ko na na may masakit sa kanya, may iniinda siya sa bandang tiyan niya, siguro nga sobrang sakit, dumadaing siya, at kung titingnan sa pangangatawan niya, halata na may karamdaman siya. Idagdag mo pa sa nagpapahirap sa kalooban niya ang pasaway niyang anak na halos sigawan siya, at pabugnot na sagutin na "Maghintay ka nga 'Nay! susunod na tayo, marami ngang pila". 
                                                        
     Tapos bigla ko naalala ang init ng ulo ko dahil sa inip at gutom. Na-realize ko bigla na ang kapal ng muka kong magreklamo gayong normal naman ang pangangatawan ko, malakas ako, at kaya ko ang sarili ko.  Kung ako naghihintay at napapagod, paano pa kaya ang matandang iyon? Paano pa kaya ang marami pang kagaya nila na walang choice kung hindi ang pumila at magtiis ng gutom, init, kasungitan ng mga kawani ng pampublikong hospital na iyon, dahil wala silang pera, dahil wala silang pambayad sa espesiyalista, pangtustos sa lab tests, at kung anu ano pang kailangan para gumaling ang sakit nila?Paano pa kaya sila?

       Isang napakalungkot na reyalidad na kailangang tanggapin, unawain, at gawan ng paraan.

     Pagkatapos ng lahat ng ito, magtatrabaho ako sa gobyerno, hindi bilang doktor o staff sa ospital. Pagkatapos nito, mapapabilang ako sa mga taong naglilingkod sa bayan --- sa munti kong paraan. Nawa ay mas maunawaan ko sila, nawa ay may magawa ako, nawa ay hindi ako kainin ng bulok at mabagal na sistema.  

                                                                                                                                 

Friday, June 28, 2013

Maigsi lang ang buhay (Life is short)

2 deaths in 2 weeks.
what does it say to us?
that life is short.

      Last week, ginulat ako ng balita sa facebook na patay na pala ang isang kaibigan kong guro. Matagal na kami hindi nagkikita at nag uusap pero ang huling usapan namin at kamustahan masaya naman, pareho na kaming may mga ibang buhay pagkatapos magtrabaho sa institusyon kung saan kami nagkakilala. Masaya kaming tinutupad ang mga bagay na gusto namin parehong gawin noon pa. may balak pa nga kaming magkita sa mga susunod na buwan kapag may pagkakataon para makapag bonding naman. pero ngayon, hindi na iyon mangyayari...dahil wala na siya.

     Akala ko talaga, joke lang yung mga nakasulat sa facebook, may isang kaibigan kasi nagpost ng luma naming litrato, eh dahil uso ang #throwbackthursday, akala ko isa lang yung ganun. pero hindi pala, kasi seryoso na talaga, at sunud-sunod na nga ang mga posts na nagsasabing iniwan niya na kami Grabeh lang nakakagulat lang, kasi ang bata niya pa, ang bilis ng mga pangyayari. Siguro may sakit na talaga siya nung huli kaming nag-usap, siguro may problema na pero hindi niya ipinahalata, hindi ako naging makulit magtanong, hindi ko ininsist na magkita at magkuwentuhan kami, kasi akala ko may susunod pang pagkakataon, kasi akala ko'y hindi pa iyon ang huli.  hanggang sa...huli na nga ang lahat.

     Noong sumunod na linggo, isang nakakagulat, nakakalungkot, at masamang balita na naman ang nangyari. Isa sa aking dating nakatrabahong estudyante and piniling wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtalon sa building ng eskwelahan.  Noong una, wala akong ideya kung bakit ganun na lamang ang mga posts ng mga tao sa facebook wall niya, so naisip ko, anu na naman ito? Isang malaking joke na naman?!
Pero hindi, kasi totoo na nga....as in! At ayun sunud-sunod na naman ang mga posts sa wall niya na nagsasabi kung gaano kabait, kabuti, kamasayahin ang batang ito. At totoo nga naman, hindi ko man siya nakasama ng matagal, alam kong mabuti siyang bata. Masunurin, mabait, magalang.  Sayang lang at hindi na naman kami nagkaroon ng pagkakataon na maging "close" pa. Pero ramdam ko ang paggalang niya at pagpapahalaga sa akin bilang isa sa mga tinuturing niyang nakakatandang kapatid at guro.

      Hays, sayang. kagaya ng mga sinasabi sa kanya ng ibang kaibigan niya, sana nagkaroon pa ako ng mas mahabang oras, sana mas pinansin ko pa siya habang nila-like niya ang mga posts ko sa facebook, sana mas kinausap ko siya noong may pagkakataon. Pero huli na ulit ang lahat....wala na siya. Hindi ko man lamang nalaman na may problema na pala siya, may mabigat na dinadala kaya't pinili niyang wakasan ito, maging ang buhay niya sa paraang alam niya.  

    Hanggang sa mga oras na ito, masasabi kong apektadong apektado pa rin ako. Nakakalungkot, nakakagulat. Hindi ko maipaliwanag ang dapat kong maramdaman. Nakaka-guilty siguro?

     Ang sakit lang isipin na yung kakilala mo, katawanan mo, ka-chat mo lang nung isang linggo o nung isang araw, bigla na lang mawawala ng ganun ganun na lang....ng permanente, wala nang balikan, wala nang take two. At  iisipin mo at sasabihin sa sarili mo na sana hinabaan ko pa ang  oras na binigay ko sa kanya, sana naging mas close pa kami, sana napakinggan ko pa ang mga kwento at sinasabi niya, sana nasamahan ko pa siya ng mas matagal... sana naging sensitive ako sa nararamdaman niya, sana naramdaman ko na gusto niyang mag-share ng problema o ng kwento. Sana....

     Oo ganun talaga ang buhay. Maigsi. Lahat may dahilan. pero may kung sa konting oras na ilalaan, may magagawa tayo. kung sa kahit na gaano kaliit na paraan ay makakatulong tayo para isalba ang buhay ng isang tao lalo na yung mga higit na nangangailangan ng kausap at karamay, siguraduhin nating gagawin natin ito.

     Kaya nga.... sa susunod na mangungumusta ka, siguraduhin mong may oras ka para sa sagot niya, para sa kwento niya, malay natin baka yun lang talaga ang hinihintay nila. ang may mangamusta, ang maramdaman nila na hindi sila nag-iisa kahit na gaano pa kabigat ang problema, kahit pa gaano kahirap ang mga suliranin, baka kailangan lang nilang makumpirama nalahat may solusyon, baka kailangan lang nila ng karamay, kausap, kailangan lang ng may makikinig kahit hindi ka magpayo, baka kailangan lang mapaglalabasan ng sama ng loob.... baka kailangan ka lang nila habang hindi pa huli ang lahat.

Sunday, January 6, 2013

The J Stories: Thank You For The Broken Heart

I never realized that one day I will be saying this to you, Jay.  Thank you for the broken heart.  I never want to sound sarcastic for there are no more bitterness in my heart now.  I have forgiven you and I am letting you know.  But yes, I want to thank you for breaking my heart so bad, crushing it to the ground, tearing it into pieces, for I have something to pick-up, to heal, to fix.  What we had was something special.  It could never be replaced.  I tried to, for so many times, but each time I tried to, I only get hurt in the process for it was just something that cannot be changed, not anymore, not ever.  It has left a permanent scar in my heart, in my being, in all that I am today.

I must say that everything I know about being in love, getting hurt, and moving on came from you.  If it wasn’t for you, I don’t know if I have ever experienced the joy of being loved and giving it back.  But there are just stories that have no happy ending, and ours was one of those stories.  There are lives that are not meant to be spent together -- that was our life.  Maybe, what we had was an experience, pure bliss, and yes I keep saying this, something very special.


I have moved on, slower than you actually did, but I did move on, and I am proud to say that I was able to.  The times that I wanted to end my life just because you left me are moments that made me stronger.  I’d be happy to tell you that I can now smile while thinking about the things we did before and everything that we had.  I can share stories of the places we went to without hating you or cursing you now.  I’ve finally moved on, and although it was damn six years, I still did.  I am happy now. So, thank you for the broken heart.